“Like Mother, Like Daughter”- Netizens, Aliw na Aliw sa mga Cute Photos ni Anne Curtis at Baby Dahlia

Talagang napakabilis nga naman ng panahon! Halos isang taon na rin ang nakalipas simula ng ipanganak ni Anne Curtis ang kanyang first baby. March 2, 2020 nang maging ganap na nanay si Anne sa kanyang baby girl na si Dahlia Amelie. Ito ang unang baby nila ng kanyang asawang si Erwan Heussaff. Sa Australia piniling manganak ni Anne, kapiling ang kanyang ina.

Parang kahapon lamang nang ianunsyo ni Anne at Erwan ang pagdating ng espesyal na prinsesa nila. Sino nga bang mag-aakala na napakalaki na ni Dahlia ngayon? Kamakailan lang ay nagdiwang ito ng kanyang 10 months. Dalawang buwan na lamang at magce-celebrate na rin siya ng kanyang 1st birthday.

Talagang kinareer naman ni Anne ang pagiging full-time mom sa kanyang baby. Wala silang kinuhang yaya, dahil noong una pa lang ay nais na niyang maranasan ang saya at pagod ng pagiging ina. Katuwang naman niya sa pag-aalaga sa kanilang baby ang kanyang asawa.

Gayunpaman, sinisigurado ni Anne at Erwan na laging updated ang kanilang mga fans sa kanilang bagong buhay bilang parents. Sa Instagram, laging nagpo-post ang Kapamilya actress ng mga pictures nila ni Dahlia. Madalas ring ipakita ni Anne ang development ng kanyang baby.

Read also: Karen Reyes, Umamin na! Bakit Kaya Itinago ng Matagal ang Dalawang Anak Nila ni Sarkie Sarangay?

Sa kabilang banda, si Erwan naman ay mas focused sa kanyang Youtube channel. Bukod sa mga cooking videos, lagi ring isinasama ni Erwan ang kanyang asawa sa kanyang mga vlogs. Hindi rin mawawala si Dahlia sa kanilang mga vlogs.

Dahil dito, maraming fans ang laging nakaabang sa bagong updates ng mag-asawa. Excited rin silang subaybayan ang unti-unting paglaki ni Baby Dahlia. Maraming fans rin ang nag-aabang ng pag-uwi ni Anne at Baby Dahlia sa Pilipinas.

 

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

The post “Like Mother, Like Daughter”- Netizens, Aliw na Aliw sa mga Cute Photos ni Anne Curtis at Baby Dahlia appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments