Sa kalagitnaan ng coronavirus pandemic, maraming tao ang sabik nang makapagbakasyon ulit. Maswerte naman ang aktres na si Jodi Sta. Maria dahil sa wakas ay nakabisita na itong muli sa ibang bansa. Bago pa man ang pandemic ay mahilig nang mag-travel sa iba’t-ibang tourist spots si Jodi, kasama ang kanyang anak na si Thirdy.
Kamakailan lang ay ibinahagi ni Jodi ang latest na bakasyon nila. Ipinagdiwang din nila ang birthday ni Thirdy, kaya naman napagdesisyunan ng aktres na mangibang bansa. Binisita nila ang bansang Tanzania na nasa East Africa. Ngunit bago bumiyahe, sinigurado ni Jodi na kumpleto sila sa mga requirements upang ligtas ang kanilang pag-travel.
Read also: Matapos ang Apat na Taong Pagsasama, Toni, Aminadong Hindi na Kinikilig kay Direk Paul
“So this vlog is about our travel, but unlike our previous vlogs, mainly ang pag-uusapan kasi natin dito is paano mag-travel ngayong time na may pandemic, and also ano ‘yung mga requirements na kailangan bago kayo umalis,” pahayag ni Jodi sa kanyang vlog.
Sa kanyang vlog ay ibinahagi rin ni Jodi ang mga lugar na binisita nila sa Tanzania. Ayon sa aktres, dito niya rin na-realize kung gaano kasimple ang buhay sa bansang iyon.
Lahat ng mga tao ay kumakayod sa kanilang pagkakakitaan para lamang makaraos sa pang-araw araw na buhay nila.
Ayon pa kay Jodi, mababait rin ang mga lokal sa Tanzania. Sa lodge na tinuluyan nila ni Thirdy, naghanda pa ng munting surprise ang mga staff nang malaman nila na birthday ni Thirdy. Dahil dito, taos puso ang pasasalamat ni Jodi sa mga mababait na staff dahil sa ginawa nilang kabaitan sa kanyang anak.
“Yung birthday ni Thirdy, doon na namin na-spend sa lodge namin. ‘Yung management naman ng lodge namin, they were so sweet. They prepared a little something for Thirdy. For those people na gusto mag-travel, siguraduhin niyo lang na mag-comply kayo sa travel protocol ng bansa na pupuntahan nyo.”
Read also: Carmina Villaroel, Ikinumpara si Julia Montes sa Bastos na Aktres na Nakatrabaho Niya
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
The post Jodi Sta. Maria, May Malaking Bagay na Na-Realize Habang Nagbabakasyon Abroad Kasama ang Anak na si Thirdy appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments