Isa si Buboy Villar sa mga hinahangaang aktor sa industriya ng showbi. Bukod sa pag-arte, kamakailan lang ay pinasok na rin ni Buboy ang mundo ng vlogging. Mayroon siyang mahigit 1.2 million subscribers sa Youtube. Dahil dito, mas nakilala pa ng mga fans kung anong klaseng tao si Buboy. Sa mga vlogs niya rin ipinapakita ang kanyang buhay bilang ama sa kanyang dalawang anak.
Mayrong dalawang anak si Buboy sa kanyang dating partner na si Angillyn Serrano Gorens. Biniyayaan ng dalawang cute na cute na baby si Buboy at Angillyn na sina Vlan Karollyn at George Michael. Kahit pa hiwalay na sila, nagtutulungan pa rin ang dalawa upang maitaguyod ang kanilang mga anak.
Read also: “Too Precious”- Andi Eigenmann, Proud na Ipinasilip ang Larawan ng Kanyang Tatlong Anghel sa Instagram
Noong 2020 ay ibinunyag ni Buboy na hiwalay na sila. Kasalukuyang nasa United States si Angillyn upang makapaghanapbuhay.
Ang mga anak naman nila ay nasa poder ng magulang ni Angillyn sa Pilipinas. Kadalasan ay dumadalaw si Buboy upang makipag-bonding sa kanyang mga anak.
Kamakailan lang ay nag-share si Buboy ng kanilang bonding moment sa social media. Dahil nasa kalagitnaan ng pandemic, hindi maipasyal ni Buboy ang kanyang mga anak, kaya naman binibisita niya na lang ito sa bahay. Nagdala rin siya ng mga paborito nitong pagkain.
Sa kanyang vlog, kitang-kita kung paano asikasuhin ni Buboy ang kanyang mga anak. Sinusulit niya na rin ang pagkakataong ito, lalo pa’t alam niyang matagal na naman silang magkikita. Kasabay ng kanyang vlogging ay tumatanggap rin ng mga projects si Buboy upang matustusan ang pangangailangan ng mga anak niya.
View this post on Instagram
Tuwang-tuwa rin ang mga anak ni Buboy sa pagdalaw niya. Ayon sa aktor, layunin niyang makabili ng mas malaki at mas magandang bahay para maiuwi na rin niya ang kanyang dalawang anak. Sa ngayon ay nagsisikap pa siyang palakihin ang kanyang Youtube channel.
Read also: Marlou, Nagmakaaawa sa Social Media Para Makabili ng Gaming PC, Pero Na Realtalk ni Eruption Tai!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
The post Buboy Villar, Sinulit ang Panahon at Masayang Nakikipag-Bonding sa Dalawang Anak na sina Vlanz at George appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments