Isang OFW ang Nakakita ngLimpak Limpak na Salapi Habang Naglilinis Ngunit Laking Gulat ng Kanyang Amo sa Ginawa nyang Ito

Isa sa mga pangarap ng mga overseas Filipino workers ay magkaroon ng amo na mabait at maunawain. Sa panahon ngayon, talagang napakaswerte mo pag nagkaroon ka ng amo na ang turing sayo ay parang pamilya na. Ito rin ang dalangin ng mga OFW sa Middle East, kung saan maraming napapabalitang malupit na amo na nagsasamantala sa kanilang mga helpers.

Sa kabilang banda, may pailan-ilan pa ring sinwerte sa kanilang mga trabaho! Bukod sa pagkakaroon ng mabait na amo, maswerte rin sila dahil parang pamilya na ang turing nito sa kanila. Isa na sa mga mapapalad na OFW ay ang babaeng ito na nagtatrabaho bilang domestic helper.

Read also: Matteo, May Sweet na Mensahe sa Misis na si Sarah sa Nalalapit Nilang Wedding Anniversary

Sa Facebook, ibinahagi niya ang di umano’y isang malaking test na ginawa ng amo niya. Gustong malaman ng amo niya kung mapagkakatiwalaan nga ba ang Pinay helper, kaya naman gumawa ito ng isang plano. Naglagay ito ng maraming pera sa sulok ng isang silid na nililinisan ng OFW.

Ayon sa Pinay helper, inutusan siya ng kanyang amo na maglinis ng bahay. Habang nagwawalis siya, nagulat na lamang siya nang may mapansin siyang makapal na pera na nakasuksok sa gilid ng pader!

Ayon sa OFW, mukhang tine-testing daw ng kanyang amo ang kanyang katapatan.

“Pa post po admin, share ko lang. Sabi ng amo ko last week simulan ko na daw mag linis ng bahay kasi malapit na ang CNY. Pero ngayon lang ako maglilinis. Tas ito makikita ko sa taas. Ano to pain? Lah! Di ako nasisilaw. May sahod naman ako. Padaanan ko lang ng basahan yan.”

Malaki-laki rin daw ang halaga ng pera na nakita ng Pinay helper. Gayunpaman, hindi siya basta-basta nagpasilaw na malaking halagang ito. Ayon sa kanya, pinapangalagaan niya ang tiwala ng kanyang mabait na amo, kaya naman hindi niya ginalaw ang pera.

Dahil dito, umani rin siya ng mga papuri mula sa kapwa niya OFW sa social media. Sa Facebook, maraming tao rin ang naaliw sa kwento na ito, at nagsabing baka nga plinano lamang ito ng amo upang malaman kung totoong tapat ang kasambahay.

Read also: Carmina Villaroel, Ikinumpara si Julia Montes sa Bastos na Aktres na Nakatrabaho Niya

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

The post Isang OFW ang Nakakita ngLimpak Limpak na Salapi Habang Naglilinis Ngunit Laking Gulat ng Kanyang Amo sa Ginawa nyang Ito appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments