Ilang linggo na lang at summer season na! At dahil painit na ng painit ang panahon, maraming celebrities na rin ang pumupunta sa beach upang mag-refresh. Isa na sa kanila ay ang celebrity couple na sila Billy Crawford at Coleen Garcia. Kamakailan lang ay nagpunta ng beach ang mag-asawa upang makapag-relax. Of course, hindi mawawala ang kanilang baby boy na si Amari.
Ayon sa ABS-CBN News, ang mag-asawang Crawford ay bumisita sa isang exclusive na resort sa San Juan, La Union. Dahil malapit na ang summer, sinamantala na rin nila Billy at Coleen ang panahon upang makapag-early vacation.
Saktong-sakto naman dahil hindi pa masyadong siksikan ang mga beach ngayong panahon! Kaya naman enjoy na enjoy si Baby Amari sa kanilang family trip.
Read also: Matteo, May Sweet na Mensahe sa Misis na si Sarah sa Nalalapit Nilang Wedding Anniversary
Sa Instagram, ibinahagi ni Coleen ang kanilang bonding moments sa Seabuds resort. Todo pose rin si Baby Amari, na tuwang-tuwa sa bagong environment na nakikita niya. Nagbakasyon rin ang dalawa sa Thunderbrd Resort, Poro Poro Point. Dito naman naispatan si Coleen na nagpapa-breastfeed kay Amari.
Habang nasa garden ay nagpapadede si Coleen sa kanyang baby. May dala-dala rin si Coleen na malaking t-shirt upang magamit bilang cover.
Maraming netizens naman ang humanga sa aktres sa kanyang dedikasyon sa pagpapadede sa kanyang anak. Kahit pa nasa publikong lugar, hindi nag-aatubili si Coleen basta’t para kay Baby Amari!
Sa kanyang naunang interview, aminado naman si Coleen na hindi madali ang buhay bilang isang breastfeeding mom. Marami ring ipinagbago ang katawan niya simula nang magdesisyon siyang magpadede sa kanyang baby.
Gayunpaman, nagpupursigi pa rin siyang ipagpatuloy ito dahil alam niyang ito ang best para sa kanyang baby.
“Breastfeeding in itself is actually super hard already, pero iyong gusto ko kasi direct latching kasi lalo na ngayon na parang hindi naman ako lumalabas, diba? So I always have to be eating and everything. With Amari, siguro nag-change yung perspective ko with life and I focus on things that matter now.”
Read also: Carmina Villaroel, Ikinumpara si Julia Montes sa Bastos na Aktres na Nakatrabaho Niya
Ikaw, isa ka rin bang proud breastfeeding mom katulad ni Coleen Garcia? Wag mag atubiling magbahagi ng inyong opinyon o mag-share ng inyong parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang interesting na kwento, wag mag atubiling mag follow sa amin sa Facebook.
The post Coleen Garcia Ibinahagi ang Masayang Bakasyon Nila sa Beach Kasama si Billy at napaka-cute nilang Anak na si Amari appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments