Sa panahon ngayon, halos lahat ng tao ay nasadlak dahil sa pandemic. Mahirap man o mayaman, simpleng mamamayan ka man o sikat, lahat tayo ay apektado. Kahit mga artista, ramdam din ang hagupit ng pandemic na ito, kaya naman kahit isang sentimo ay malaking bagay na para sa kanila. Kamakailan lang ay nag-open up ang comedian na si Ate Gay sa social media.
Isa si Ate Gay sa mga pinakakilalang comedian sa industriya ng showbiz. Dahil dito, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit lagi siyang maraming guest appearance sa iba’t-ibang programa at shows. Ngunit ayon sa kanya, karamihan sa kanyang mga guestings ay hindi pa rin nababayaran hanggang ngayon.
Sa Twitter, inilabas ni Ate Gay ang kanyang hinaing tungkol sa mga ‘unpaid’ talent fees niya mula sa mga kilalang shows. Ayon kay Ate Gay, o mas kilala bilang Gil Morales sa totoong buhay, inabot na lamang ng isang taon at wala pa rin siyang natatanggap na cheke sa kanyang mga guestings.
Ibinahagi rin niya kung ano-ano ang mga programa na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nababayaran. Ibinuking niya na tatlong programa mula sa Kapuso network ang hindi pa nakakapag-settle ng talent fee niya, kasama na ang Jessica Soho, AOS, at YouLol.
“AOS GMA 7 dalawang guesting ko di pa po ako nababayaran. Yung sa Jessica Soho isang guesting wala pa din po. Yung sa YouLol wala pa din po last pa yun,” pahayag ni Ate Gay sa Twitter, na mabilis namang umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens.
Matapos mag-viral ang tweet ni Ate Gay, agad agad naman siyang kinontak ng staff ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Masayang ibinalita ng komedyante na matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay nabayaran na rin ang kanyang talent fee mula sa programa.
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
The post Ate Gay,Effective ang Panawagan sa Social Media Dahil Binayaran agad ito ng KMJS matapos Maningil sa SocMed appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments