Isang Lolo na May Kapansanan, Tinutulungan ng Kanyang Alagang Aso sa Paghahanapbuhay

Sa lahat ng mga hayop, ang aso ang tinaguriang man’s best friend. Bukod sa pagiging maamo, kilala din bilang maasahang alaga ang mga aso. Dahil sa malakas na pakiramdam nito, kaya nitong protektahan ang amo mula sa kahit anong panganib. Dahil dito, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming taong itinuturing na pamilya ang kanilang mapagkakatiwalaang alaga.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng mga netizens ang nakakaawang sitwasyon ng lolong ito. Ibinahagi ng Facebook page na ‘Magsasaka Mabuhay Ka’ ang kwento ng matandang lalaking ito na nag-iikot ikot kasama ang kanyang mga aso. Bukod sa matanda na siya, mayroon ring iniindang kapansanan ni Lolo.

Ngunit imbes na magpahinga na lamang sa kanilang bahay, wala na di umanong kamag-anak ang kumakalinga dito. Dahil dito, napipilitan siyang kumayod at maghanap ng pagkakakitaan para mabuhay.

Kahit pa mahirap ang sitwasyon niya, hindi naman siya iniwan ng kanyang mga loyal na alaga. Ayon sa isang concerned citizen na nakakita kay Lolo, araw-araw ay nag-iikot ito sa daan upang mag-ayos ng mga sirang payong.

Mayroon siyang isang maliit na kariton, kung saan nakalagay ang mga materyales niya. Hila-hila naman ito ng kanyang dalawang alagang aso.

Kahit pa katirikan ng araw, tuloy pa rin sa pagkayod si Lolo at ang dalawa niyang alaga. Hihinto lamang sila sandali upang magpahinga, at pagkatapos ay balik na naman sa pag-iikot. Ayon kay Lolo, talagang napakalaki ng tulong ng kanyang mga alagang aso sa pang-araw araw na pamumuhay niya.

Silipin ang iba pang komento ng mga netizens:

“Nakakaawa naman si lolo dahil pinabayaan na ng mga pamilya.”

“Good boy ang dalawang alaga ni tatay! Sana matulungan sila ng mga LGU para di na sya magtrabaho.”

“Nakakalungkot dahil mas mabuti pa ang aso, hindi basta basta nang iiwan.”

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ag inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o mag-follow sa aming Facebook page.

The post Isang Lolo na May Kapansanan, Tinutulungan ng Kanyang Alagang Aso sa Paghahanapbuhay appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments