‘Galit’ na Lalaki na Naghahanap ng Siomai, Nakatanggap ng Libreng Siomai Mula sa mga Netizens

Mahirap labanan ang cravings, lalo na kung hindi mo mahanap ang gusto mong kainin. Talaga namang gagawin mo ang lahat para lamang mahanap ang iyong paboritong meryenda. Dahil dito, nauso sa online selling ang pagtitinda ng iba’t-ibang pagkain at meryenda na talaga namang nakakatakam.

Kamakailan lamang ay nag-trending sa social media ang isang netizen na ito na naghahanap ng kanyang paboritong siomai. Mukhang nahihirapan maghanap si Harold Rey ng siomai, kaya naman nagpost ito sa social media. Ngunit maraming netizens ang naaliw sa kanyang post!

Hindi ito ang tipikal na ‘looking for’ post nyo. Marahil ay pagod na pagod na si Rey sa paghahanap ng siomai, kaya naman naubos na ang pasensya nito! Tadtad ng mga angry emoticons ang kanyang post, kaya naman maraming nakapansin dito.

Isa sa mga sellers na nakakita ng post ni Harold ay si Juliet. Nakaagaw ng pansin ni Juliet ang post ni Harold, at sakto naman na isang seller ng siomai si Juliet. Ngunit imbes na bentahan niya ng siomai si Harold, pinili niyang bigyan na lamang ito ng libreng siomai!

Ibinahagi rin ni Juliet ang kanilang naging pag-uusap online, at ipinost niya ang screenshots sa Facebook, na agad namang nag-viral. Ayon pa kay Juliet, mukhang cravings satisfied na si Rey!

Bukod pa dito, marami pang sellers ang natuwa sa post ni Rey at nagpadala sa kanya ng libreng siomai. Laking pasasalamat din nito matapos makatanggap ng libreng siomai mula sa mga mababait na sellers dahil lamang sa kanyang post.

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

The post ‘Galit’ na Lalaki na Naghahanap ng Siomai, Nakatanggap ng Libreng Siomai Mula sa mga Netizens appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments