CLAIM: Magkasama sa isang larawan sina first lady Liza Araneta-Marcos at ICC Judge Iulia Motoc.
RATING: HINDI TOTOO
Muling kumalat sa Facebook ang dati nang napabulaanan na larawan na nagpapakita na magkasama sina first lady Liza Araneta-Marcos at International Criminal Court (ICC) judge Iulia Motoc habang nadedesisyon pa ang korte kung pormal bang lilitisin si dating pangulo Rodrigo Duterte para sa crimes against humanity.

Red flag: Sa larawan na muling ipinost noong March 7 ng Facebook user na si Amelia Brillo Apurado, ipinapakita na si Araneta-Marcos ay may kasamang dalawang babae, kabilang na ang taong maling itinuturo bilang si ICC Judge Iulia Motoc.
- Idinagdag sa larawan ang ang imahe ni Motoc mula sa sa opisyal na website ng ICC upang palabasing magkahawig sila ng babaeng nasa litrato kasama ang first lady.
- Ang sabi sa caption: “Kala cguro d maki|a|a Pag sa hangout kita ang fiz pag sa hearing takip Ng hair buong fiz haha hu|ika dino ng the Hague #FreeDuterteNow #iccjudge #follower #highlight” (Akala yata nila hindi natin siya makikilala sa pag-hangout nila. Sa mga hearing, natatakpan ng buhok niya yung mukha niya. Haha, nahuli kayo, dino ng The Hague.).
Mga Resibo: Walang kumpirmadong ugnayan ang first lady sa sinumang ICC judge.
- Ang babaeng nasa larawan ay si Katrina Roman Quintas, may-ari ng New York-based firm na Quintas-Mayenberger Inc.
- Bagama’t may mga similar claim nang nafact-check noong March 2025, patuloy pa rin itong kumakalat online habang hinihintay ni Duterte ang desisyon ng korte kung siya ay pormal na lilitisin para sa crimes against humanity.
Rewind: Sunod-sunod na dumarami ang mga maling pahayag kaugnay ng kaso ni Duterte mula pa nang siya ay arestuhin noong Marso 2025.
- Noong November 2025, nakita ng PressOne.PH ang coordinated comments sa opisyal na Facebook page ng ICC kung saan layunin ng mga narratives na ito na palabasing political stunt lamang ang pag-aresto kay Duterte at pinondohan daw ng mga Marcos ito.
- Ayon sa analysis, ang paulit-ulit at sabayang comments na ito ang dahilan kung bakit ang mga posts tungkol kay Duterte ang may pinakamaraming engagement sa page ng ICC, 20 beses na mas mataas kumpara sa iba pa nilang posts.
Bakit ito may fact-check: Sa oras ng pagsulat, ang post ay nakakuha na ng 1,300 likes, 327 comments, at 887 shares.
- Nai-share din ito sa ilang pro-Duterte Facebook groups, na lalo pang nagpa-amplify sa false claim.
- Inililihis ng mga ganitong pahayag ang atensyon ng publiko mula sa pangunahing isyu ng human rights violations sa ilalim ng drug war ni Duterte, sa pamamagitan ng pag-frame sa kaso bilang simpleng tunggalian lamang ng mga Duterte at Marcos.
Bantay-fake: Sa kabila ng fact-checking efforts laban sa disinformation tungkol sa pag-aresto kay Duterte, may ilang mga maling pahayag na patuloy pa ring ginagamit upang lalong i-undermine ang pagiging lehitimo ng legal proceedings ng ICC at palakasin ang kawalan ng tiwala ng publiko sa institusyon.
- Paulit-ulit ding kinukuwestiyon ng mga Duterte-allied politicians at influencers ang hurisdiksyon ng ICC sa kaso ni Duterte. Savannah Lantay
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: First couple did not disrespect national anthem during South Korean president’s palace visit
A Facebook post falsely claimed that President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and first lady Liza Araneta-Marcos did not place their right hands over their chests during the singing of the Philippine national anthem, in contrast supposedly to the South Korean first couple, who showed respect.
FACT-CHECK: AI-generated image of OFWs lining up for free calls surfaces online
An AI-generated image of OFWs supposedly lining up for the “OFW Libreng Tawag” program in Dubai surfaced online on March 13.
FACT-CHECK: Vlogger falsely claims drug war victim died before Duterte’s term
A Facebook user criticized the family of drug war victim Ephraim Escudero, falsely claiming he died before President Rodrigo Duterte took office in 2016.


0 Comments