FACT-CHECK: Hindi gumawa ng kasunduan ang Europe at Australia bilang third-party states para tanggapin ang dating pangulong Duterte

CLAIM: Nakipagsundo ang Europe at Australia bilang third-party states para tanggapin si dating pangulong Rodrigo Duterte
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Isang YouTube video mula sa channel na “NEWSFILES” ang maling nagpahayag na gumawa ng kasunduan ang Europa at Australia upang maging third-party states na tatanggap kay dating pangulong Rodrigo Duterte matapos ang umano’y pag-apruba sa kanyang application para sa interim release. 

Red flag: Itinatampok sa thumbnail ng video si Duterte sa gitna, na napapalibutan ng mga larawan ng tila mga delegado mula sa Australia at European Union (EU) na nagkakamay, gayundin ng mga hukom mula sa Internationa  l Criminal Court (ICC).  

  • Ang caption ng video ay nagsasabing, “BREAKING NEWS: Europe at Australia Duterte Latest Update The Hague VP Sara Atty. Kaufman Panalo na.”
  • Ang overlay texts sa itaas ay nagsasabing, “Pinayagan na…Ito ang swerte na matutupad sa kalayaan.”

Mga Resibo: Ang mga larawang ginamit sa thumbnail, na diumano ay nagpapakita ng pakikipagkamay ni Australian Prime Anthony Albanese at European Commission President Ursula von der Leyen, ay nagmula sa bilateral meeting ng dalawang political leaders sa Rome noong May 18.

  • Ang pagpupulong ay tungkol sa EU-Australia Free Trade Agreement at hindi tungkol sa kaso ni Duterte.
  • Ang mga larawan na diumano ay nagpapakita ng dalawang hukom na nag-deliberate tungkol sa kaso ni Duterte, ay mula sa magkaibang kaso at taon.
  • Ang isa ay larawan ni ICC Presiding Judge Julia Antoanella Motoc mula sa unang pagharap ni Duterte sa ICC ngayong taon, at ang isa ay si ICC Judge Sylvia Steiner sa pagsasampa ng kaso laban kay Jean-Pierre Bemba noong 2016.
  • Ang mga opisyal na dokumento ng ICC, court records at urgent request for interim release, ay hindi binanggit ang Australia o ang EU bilang posibleng mga third-party na estado.

Bakit ito may fact-check: Sa panahon ng pagsulat, ang YouTube video ay nakalikom ng 26,194 views, 1,400 likes, at 78 comments.  Maan Badua 


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Post a Comment

0 Comments