FACT-CHECK: Lumang video ng MNLF Davao, ginagamit upang ipanawagan ang pagbitiw ni PBBM sa pwesto

CLAIM: Nanawagan si Roland ‘Aziz Monk’ Olamit, chairman ng MNLF Davao, na magbitiw si Marcos Jr. sa puwesto.
 
RATING: KULANG SA KONTEKSTO

 

Noong May 12, nag-post ang isang Facebook user na si “Louie Jay” ng putol na video clip ni Roland “Aziz Monk” Olamit, chairman ng MNLF Davao, na nananawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Umabot na sa mahigit 21,000 ang reactions at 6,400 shares ng video habang isinusulat ito. Totoo namang nanawagan si Olamit ng pagbibitiw ni Marcos sa video, pero kulang ito sa buong konteksto ng kanyang pahayag.

Ang orihinal na video ay mula sa eksklusibong panayam ng “Pilipinas Kong Mahal,” isang commentary page, kay Olamit noong Abril 18, 2024.

Nag-ugat ang kanyang pahayag laban sa pangulo sa pagkadismaya niya sa administrasyon noong nakaraang taon—lalo na sa paglalabas ng arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, at sa mga lumabas na disimpormasyon tungkol sa diumano’y paggamit ng droga ni Marcos Jr.

Bagama’t totoo ngang nanawagan si Olamit ng pagbibitiw, wala itong kaugnayan sa mga kasalukuyang kaganapan sa pulitika kaugnay ng naganap na 2025 midterm elections. Marc Nathaniel Servo


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Post a Comment

0 Comments