
CLAIM: Kayang magpalipad ni Pangulong Bongbong Marcos ng fighter jet.
RATING: HINDI TOTOO
Isang Facebook reel ang nagpakalat ng maling impormasyon kung saan sinasabi rito na kayang magpalipad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang military fighter jet.
Ang clip na ginamit sa reel ay mula sa isang video ni Marcos Jr. habang nakasakay sa isang FA-50PH fighter jet ng Philippine Air Force (PAF) para sa isang demonstrasyon sa Clark Air Base sa Pampanga noong 2023.
Salungat sa pahayag, pasahero lamang si Marcos Jr. sa eroplano. Si Lt. Col. Malbert Maquiling ng PAF ang siyang nagpalipad ng sasakyang panghimpapawid.
Kahit na si Marcos Jr. ang Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, tanging mga kwalipikado at sinanay na piloto ng Philippine Air Force lamang ang awtorisadong magpalipad ng mga military fighter jet sa bansa.
Upang makapasok bilang isang Philippine Air Force Officer Candidate (PAFOC), kinakailangang may hawak na baccalaureate o bachelor’s degree. Si Marcos Jr. ay may Special Diploma sa Social Studies.
Sa kasalukuyan, ang Facebook reel ay nakapagtala na ng 668,000 na views at 4,100 na shares. Yance Dionisio
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: President Marcos is not a fighter jet pilot
A Facebook reel falsely claimed that President Ferdinand Marcos Jr. can fly a military fighter jet.

FACT-CHECK: No evidence of Japan hosting Duterte’s interim release
A viral Facebook reel, posted on June 23, falsely claimed that former president Rodrigo Duterte, who is detained by the International Criminal Court on charges of crimes against humanity, is set to be released by the end of the month.
0 Comments