FACT CHECK: Rodrigo Duterte, hindi kumanta ng “Pilipinas Kong Mahal”

CLAIM: Kumanta si dating pangulong Rodrigo Duterte ng awiting “Pilipinas Kong Mahal.” 

RATING: HINDI TOTOO

 

Isang YouTube content creator ang nagpakalat ng maling impormasyon na kumanta umano si dating pangulong Rodrigo Duterte ng makabayang awiting “Pilipinas Kong Mahal.”

Ang video ay may caption na, “Duterte, umawit ng kantang Pilipinas kong Mahal para makuha ang simpatya ng taumbayan”.

Ayon kay Epifanio Labrador, may-ari ng YouTube account, dapat umanong mahiya si Duterte sa pagkanta ng nasabing awitin dahil sa kanyang mga naging desisyong pabor sa China noong siya’y pangulo pa.

Ang orihinal na video, na nagpapakita kay Duterte na kumakanta, ay pagmamay-ari ng TikTok user na si yolakvlogs. Sa kasalukuyan, ito ay may humigit-kumulang 85,600 likes.

Makikita sa ibaba ng video ang maliit na label na “AI content,” na nagsasaad na ito ay ginawa gamit ang Al. Ngunit sa video ni Labrador, wala na ang label na ito.

Ang bahagi ng AI-generated na clip ay hango sa orihinal na video ni Duterte habang nagbibigay ng mensahe bago lumapag ang sinasakyang eroplano sa Netherlands. Ang orihinal na video ay mula sa opisyal na Facebook account ni Duterte.

Umani ang nasabing YouTube video ng 5,589 views, 592 likes, at 162 comments. Milyn Carreon 


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Post a Comment

0 Comments