FACT-CHECK: AI-generated ang larawan ni Sara Duterte na humihingi umano ng pera sa GCash

CLAIM: Humihingi si Vice President Sara Duterte sa mga Pilipino ng pera sa kanyang GCash account.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Isang video ang kumalat sa Facebook na nagpapakita umano kay Vice President Sara Duterte habang hawak ang isang QR code, na humihingi siya ng pera gamit ang GCash. Subalit, hindi totoo ang video, dahil likha lamang ito ng artificial intelligence o AI.

Ang video ay in-upload ng Facebook page na “Bayan Buzz” na may caption na “Sara Duterte AI,” na nagpapahiwatig na alam ng uploader na hindi totoong larawan o eksena ang ipinapakita sa video.

Ipinapakita rin sa video ang isang voice-over na tila boses ng pangalawang pangulo na humihimok sa publiko na magpadala ng donasyon. 

Gayunman, wala ni isang katulad na video, larawan, o anunsyo sa kanyang opisyal na Facebook page, YouTube channel, o sa website ng Office of the Vice President.

Wala ring nakuhang malinaw na pinagmulan ang video gamit ang reverse image search, isang patunay na malaki ang posibilidad na ito ay gawa ng AI.

Sa kasalukuyan, ang nasabing post ay mayroon nang 143 reactions, 25 comments, 26 shares, at higit 47,100 views sa Facebook. Heaven Grace Peralta


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Post a Comment

0 Comments