
CLAIM: P13 trilyon sa kabuuang P16 trilyong utang ng bansa ay naipon sa administrasyong Duterte.
RATING: HINDI TOTOO
Maling iginiit ng isang Facebook user na ang P13 trilyon sa kasalukuyang P16 trilyong utang ng bansa ay naipon sa panahon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinakita sa post ni Sangkay Janjan ang isang screengrab ng mga ulat mula sa GMA News at Inquirer.net, ngunit mali ang pagkakaunawa niya sa konteksto ng datos.
Ayon sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), umabot sa P5,948 bilyon ang kabuuang utang ng bansa pagkatapos ng termino ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Tumaas ito sa P12.79 trilyon sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte noong Hunyo 2022, na may P6.842 trilyong pagtaas sa loob ng kanyang administrasyon.
Sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patuloy ang pagtaas ng utang ng bansa, na umabot sa P16.75 trilyon hanggang sa pagtatapos ng Abril 2025, halos tatlong taon mula nang siya’y maupo sa puwesto.
Sa kasalukuyan, ang nasabing Facebook post ay umani na ng 937 reaksiyon at 231 shares.
Si Sangkay Janjan, o John Anthony Jaboya sa totoong buhay, ay naging paksa ng isang investigative report ng Rappler.
Ang kanyang YouTube channel, na may mahigit 1.5 milyong subscribers, ay nai-report dahil sa pagkalat ng mga conspiracy theory kaugnay sa Covid-19 at sa legacy ng pamilyang Marcos.
Matapos mailabas ang investigative report ng Rappler, binura ni Jaboya ang 151 videos at isinapribado ang 16, kung saan karamihan sa mga ito ay naglalaman ng pag-atake laban kina dating Pangalawang Pangulo Leni Robredo at sa pamilyang Aquino. Kylyn Kyth Cuñado
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: Photo of Vice President Duterte asking for money via GCash, AI-generated
A video containing an AI-generated photo that falsely depicts Vice President Sara Duterte soliciting money through GCash while holding a QR code has surfaced on Facebook.

FACT-CHECK: Vice President Sara Duterte shook hands with Sen. Bong Go
A video of Vice President Sara Duterte and Sen. Bong Go has circulated on Facebook, falsely claiming that the vice president avoided shaking hands with Go.
0 Comments