FACT-CHECK: Opisyal na travel badyet ng Pangulo, hindi para sa libangan, kasiyahan

CLAIM: Para sa mga “outing, party, concert” ang travel badyet ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

RATING: HINDI TOTOO

 

Ni-repost ng isang pro-Duterte Facebook page ang isang larawan mula sa GMA News at maling ipinarating na ang badyet para sa mga opisyal na travel ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay para sa “outing, party, concert.”

Ang art card na ni-repost ng Facebook page na “Hakbang ng Maisug – Cebu” ay tungkol sa iminumungkahi ng Department of Budget and Management para sa travel badyet ni Marcos Jr. sa 2025.

Ayon sa Presidential Decree No. 1177, Section 79, na pinirmahan ni dating diktador Ferdinand Marcos Sr., ama ng kasalukuyang Pangulo, ang Pangulo at iba pang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay may karapatan sa per diem, travel expenses, at allowances para sa mga awtorisadong byahe.

Gayunpaman, ang mga allowances na ito ay kinakailangang sumunod sa mga badyet rules. 

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa isang press briefing na nabawasan ang byahe ng pangulo para sa parehong lokal at internasyonal, ayon ito sa mungkahi ng opisina ng pangulo. 

Sa ngayon, briefier pa lamang tungkol sa panukalang pambansang badyet ang inilabas ng DBM, at ito ay nakatuon sa mga prayoridad na sektor at proyekto ng bansa para sa 2025. Leigh San Diego


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Post a Comment

0 Comments