CLAIM: Magkaibigan daw sina Alice Guo at Sen. Risa Hontiveros, ayon sa kanilang mga “selfie.”
RATING: HINDI TOTOO
Naging viral sa iba’t ibang mga social media platforms ang mga dinoktor na litrato kung saan makikitang magkasama sina Sen. Risa Hontiveros at suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Maling isinaad ng mga posts na may malalim ‘di umanong ugnayan ang dalawang personalidad bago pa ang kasalukuyang imbestigasyon ng senado sa Philippine offshore gaming operations (POGO) at sa pagkatao ni Guo.
Layunin ng mga post na ito na dungisan ang integridad ng senadora na siyang nagsiwalat sa kwestyunableng katauhan ni Guo.
Matatandaang lumabas sa mga pagsisiyasat na posibleng pineke ni Guo ang kanyang pagka-Pilipino para kumandidato bilang alkalde ng Bamban sa Tarlac.
Ang mga pekeng larawan ay unang pinakalat ng isang user sa X (dating Twitter) na si @RyanLingo_ kasabay ng paratang na “naggagalit-galitan” lamang daw ang senadora.
Ngunit kanya na ring binura ang orihinal na tweet kasabay ng pagkumpirmang ang mga litrato ay gawa ng artificial intelligence o AI.
Habang sa TikTok, lumitaw ang mga kaparehong bidyo at litrato kung saan maling sinabi na “tinraydor” daw ni Hontiveros ang kanyang “BFF” umano na si Guo.
Nag-isyu naman agad ng pahayag si Hontiveros sa kanyang opisyal Facebook page kung saan kinundena niya ang pagpapakalat ng mga pekeng litrato.
Aniya, wala raw siyang “kaibigan na isang pekeng Pilipino” at nangakong pananagutin ang mga nasa likod nito.
Kanya ring hinikayat ang pamunuan ng mga popular na social media platform sa bansa na paigtingin ang pagbabantay sa paglaganap ng mga AI-generated content sa kanilang mga platform. Hurt Allauigan
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Hindi totoong kasama si Alice Guo sa mga nahuli sa raid sa umano’y bahay ni Harry Roque
Isang YouTube channel na may ngalang “PH SHOWBIZ UPDATE” ang naglabas ng mga video na nagpapakalat ng hindi totoong kwento na naaresto na raw ang suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
FACT-CHECK: Retired broadcaster posts manipulated photo of CNN anchor
A former broadcaster posted a manipulated photo of CNN anchor Anderson Cooper, falsely portraying him as reporting that the Philippine president was at the center of global discussion because of supposed drug use.
FACT-CHECK: Alice Guo not among those arrested at Roque-linked property
A YouTube channel published videos falsely claiming that the dismissed mayor of Bamban, Tarlac, Alice Guo, has been apprehended by authorities.
0 Comments