Zeinab Harake, inamin ang kalagayan ng kaniyang kalusugan matapos ang pinagdaanan kay Skusta Clee

Para sa netizens lalong-lalo na sa mga mommies, hindi na kagulat gulat ang isiniwalat ng vlogger na si Zeinab Harake na dumadaan siya ngayon sa depresyon at post partum syndrome dahil sa pinag daanan niyang pangloloko sa singer at rapper na si Skusta Clee.

Sa kaniyang panayam sa aktres at host na si Toni Gonzaga, inamin niya ang kaniyang malagim na karanasan sa kaniyang naging relasyon kay Skusta, at kung paano siya pinabayaan nito noong nagbubuntis siya sa kanilang ikalawang anak na si Moon, na kalaunan ay pumanaw dahil sa kaniyang maselan na pagbubuntis.

“Nawala si Moon. Wala na kami nung tatay habang buntis ako,” aniya.

Dagdag niya, “Nakunan ako. Nagburol ako ng baby ko. Nilibing ‘yung baby ko. Mag-isa lang ako,

“May mga away kami mula January pero ‘yung away mag-asawa lang na akala ko ‘pag nagkaaway kami, magkakabati kami, okay na. Hindi pala,

“[Noong] March, doon na talaga parang lagi niya na akong iniiwan. Dumating sa point na nagmamakaawa ako sa kanya. Alam niya na buntis ako kay Moon… Hirap po talaga ‘yung pagbubuntis ko kasi medyo maselan.”

Hindi na idinetalye ni Zeinab ang lahat ng pangloloko na naranasan niya ngunit sa tuwing naalala niya raw ito ay gusto niyang maiyak ulit.

“’Yung inamin niya sobrang brutal, sobrang gusto ko talagang [magwala] ‘pag naaalala ko. Nandidiri ako sa sarili ko, sa baby ko. Naawa ako kay Bia,

Napakaraming babae naman ang tila nakaka relate sa pinagdadaanan ngayon ni Zeinab.

“Pagaling ka Queen idol zeb stay strong pray to God Malalagpasan modin yan🙏 iloveyou see you soon #Family Fans❤

“Start na ng binat yan gurl 😔 mlkas mkpgpabinat ung nag iicp ng problema pbyaan mo na ung llakeng nde nman dpat pnghinayangan move on dahan2 focus ka lng sa bebe mo wag mo kaawaan srili mo my drating dn yn na inilaan ni Lord na krpat dpat pra sau ❤😊

“Postpartum depression pati…hayts..plus binat plus gnyan pa mr mo lalo kana nabinat😥palakas kapo”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Zeinab Harake, inamin ang kalagayan ng kaniyang kalusugan matapos ang pinagdaanan kay Skusta Clee appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments