Maanghang na sagutan ni Andrea Brillantes at Kitty Duterte, totoo nga ba?

Lubos na ikinagulat ng publiko ang naging maaanghang na palitan ng salita ng aktres na si Andrea Brillantes at ng presidential daughter na si Kitty Duterte.

Sa Facebook, laganap ngayon ang screenshot ng mga retweet ni Kitty patungkol sa lahat ng Twitter post ni Andrea.

Kilalang Leni Robredo supporter ang batang aktres at tulad ng ibang mga celebrity ay hindi nito mapigilan ang kaniyang pagka dismaya at paghihinagpis nang napaka laki ng lamang ng kampo nila Bongbong Marcos para sa pagka presidente.

Kung kaya naman sunod sunod ang post ng dalaga sa Twitter upang ihayag ang kaniyang damdamin.

Ngunit maya maya lamang ay mamamataan na ang isang twiitter account na nagngangalang Kitty Duterte ang patuloy na nag reretweet ng post ng Kapamilya star.

Maaanghang at matatalas ang mga salitang binibitawan nito, at dinadamay pa ang mga naibaon nang isyu ng aktres noong siya ay bata pa.

Sa susunod na tweet ni Andrea, makikita na sinabi niyang, “Wag n’yo kami i-compare ni Kitty, marami kaming differences,”

“True may bold ka, ako wala.” ani Kitty.

Ngunit agad namang nakatunog ang mga netizens na tila fake news ang nagiging argumento ng dalawa.

Kung susuriin kasing mabuti ay hindi verified ang account ni Andrea, kaya naman maaring hindi siya ang humahawak nito.

Samantalang wala namang public Twitter account ni Kitty.

Ayon sa isang netizen, “To those people who wasn’t aware, kitty duterte has no twitter account and this is clearly edited andrea B twitter acc isn’t verified yet. Stop spreading.

“If this is just for fun, like what other sayin’. No, this is not funny y’all disgusting,”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Maanghang na sagutan ni Andrea Brillantes at Kitty Duterte, totoo nga ba? appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments