May katotohanan nga ba ang mga usap-usapan tungkol sa hiwalayan ni Janella Salvador at Markus Paterson?
Hindi iniinda ng kanilang mga fans ang tila hindi aktibong pagbabahagi ng magkasintahan patungkol sa kanilang relationship, dahil sa una pa lamang naman ay matagal itinago ni Janella at Jude ang anak nilang si Jude sa publiko.
Kung kaya naman kahit bandang Enero ngayong taon pa ang huling post nila magkasama ay hindi ito binibigyang kahulugan ng mga fans dahil kita naman nilang busy din ang mag jowa sa kani-kanilang mga lock in taping.
Ngunit hindi pa rin ito nakaligtas sa mata ng mga batikang entertainment reporters na si Mama Loi at Ogie Diaz.
Sa vlog ni Ogie ay ibinulgar nito na matagal na palang usapin sa loob ng showbiz na ilang buwan nang magkahiwalay ang dalawa!
“Sapantaha ng marami ay hindi na sila nagsasama,” sambit ni Ogie.
“At ang nagbigay tuldok diyan ‘Nay ay no’ng kasal ni Pat Sugui wala si Markus,” ani Mama Loi. “Si Baby Boy lang at si mommy ang nando’n hinahanap si daddy, ano sa palagay mo?”
Ang tinutukoy ni Mama Loi ay ang kasal ng malapit na kaibigan ng magkasintahan na si Pat Sugui at Aeriel Garcia.
Dagdag ni Ogie, “Well, hindi ako mapalagay pero ang narinig ko lang Loi ay matagal nang hiwalay si Janella Salvador at si Markus Paterson. Hindi naman taon kundi mga ilang buwan na.
“Dahil narinig ko Loi na medyo itong si Janella Salvador ay nagkakaroon ng problema kay Markus Paterson.
“Me drinking habit ito at kapag habit madalas itong umiinom ng alak at kapag nakakainom ng alak ay nagkakaroon ng anger management (issue),”
Kung matatandaan, ibinahagi ni Janella na may trauma siya sa mga umiinom dahil sa kaniyang karanasan sa ex niyang si Elmo Magalona.
“E, di ba doon sa interview mo nabanggit niya na may trauma siya sa mga umiinom?” say pa ni Mama Loi.
Sagot naman ng manager ni Liza Soberano, “Oo, parang ganu’n. Pero kailangan pa nating makausap si Janella kung gaano katotoo ito. Minsan naman pag tinatanong mo si Janella (muwestrang ite-text) hindi sasagot ‘yun. So, sasabihin nila, silence means yes!
“Pero siyempre pangit pa rin na porke’t hindi nakausap si Janella, e, ‘yun ang ipapalagay natin? Pero ‘yun ang narinig ko mula sa common friends nila.
“Feeling ko lang kapag madalas pinag-aawayan nina Markus at Janella ay ang pag-inom na ang sumatotal ay nagkakaroon ng anger management itong si Markus, aba siyempre makikita ng bata ‘yung pag-aaway hindi maganda ‘yun. Kaya para sa akin magpahinga muna sila kung totoo ‘yun ang dahilan, ha?”
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Sikat na Magcouple na artista, hiwalay na nga ba? appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments