Rob Moya, Inulan Ng Komento Matapos Tanungin Si Yassi Pressman Kung Pwede Siya Manligaw

Umani naman ng samu’t saring komento ang aktor at vlogger na si Rob Moya matapos nitong subukang tanungin ang aktres na si Yassi Pressman kung pwede niya ba itong ligawan.

Nag tagpo ang dalawa sa taping ng Rolling In It Philippines, kung saan iininterview ni Moya ang host at ibinunyag nito na matagal na niyang pantasya ang dalaga.

Ibinunyag ni Moya na matagal na niyang crush na crush si Yassi, kahit noong mga panahon na nag uumpisa pa lamang ito sa Diary ng Panget, kung saan sumikat siya kasabay ng tambalan ni James Reid at Nadine Lustre na JaDine.

At kahit alam niya na pangarap lamang niya si Yassi at napaka imposible na maging jowa niya ito ay hindi niya pa rin mapigilang mag tanong kung may pag asa siya sa dalaga kung sakaling ligawan siya nito.

“Am I the type of guy na puwedeng manligaw sa’yo? O magiging type mo ba ‘ko?” tanong ni Rob kay Yassi.

Kitang naka ngiti si Yassi sa tanong ni Rob at game na game naman siyang sumagot sa internet celebrity.

Ayon sa kaniya, maraming bagay siyang kailangang ikonsedera sa tuwing pumipili ng partner at kabilang na kung mabait ba ito, funny, loyal at kung family-oriented.

Puro oo naman ang sagot ni Rob sa tanong ni Yassi.

“Okay,” tugon ng dalaga, habang pinag iisipan kung pasado nga ba si Rob para sa kaniya.

Nakikitang kinikilig naman si Rob matapos sabihin ng aktres na “maybe,” at nakipag apir ito agad sa kaniya.

Agad namang tumawa si Yassi nang mapansin niyang tila matagal nang hinahawakan ni Rob ang kamay niya.

“Parang ang tagal ng hawak mo ah,”

Dagdag ni Yassi, ang mga tipo umano ni Rob ay mga bolero.

Ngunit sabi naman ni Rob, talaga namang magpapaka loyal na siya kung sakaling maging jowa niya ang aktres.

“Ayoko na nang kahit na sinumang babae sa buong planet.”

Matatandaan na kamakailan lamang ay nagtrending muli si Rob matapos itong magwala sa bar habang ipinag sisigawan na mahal pa rin niya ang ex niyang vlogger na si Toni Fowler.

Nasundan din ito ng failer proposal niya matapos siyang batuhin ni Fowler ng singsing dahil hindi ito pumayag sa pagyayaya niyang magpakasal.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Rob Moya, Inulan Ng Komento Matapos Tanungin Si Yassi Pressman Kung Pwede Siya Manligaw appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments