Juliana Segovia Pariscova, hindi mapigilang maging emosyonal matapos umano siyang tawaging “troll” ni Vice Ganda!

Si Juliana Parizcova Segovia na mismo ang tila ngakumpirma na siya nga ang tinutukoy ng host at komedyanteng si Vice Ganda ukol sa pahayag nitong kaibigan nilang naging “troll” dahil sa hirap ng buhay.

Ayon kay Juliana, lubos siyang nasaktan sa naging sentimyento ni Vice at itinanggi niya ang lahat ng nameless accusation nito.

Si Juliana ay It’s Showtime Miss Q&A Season 1 grand winner at supporter ng presidential candidate na si Bongbong Marcos, samantalang si Vice naman ay si Vice President Leni Robredo ang kandidato sa pagka presidente.

Matatandaan na noong April 23, nagkwento si Vice tungkol sa isa sa kaniyang mga kakilala sa showbiz na tuluyang naging political troll upang magkaroon ng hanapbuhay.

Nagsimula ito matapos matampok ang mga “bashers” o “haters” online at kung paano sila nagiging toxic din sa tunay na buhay.

“May kilala rin ako na ganito,” sabi ni Vice.

“Sa totoong buhay, hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media.

“Tapos, nalaman ko kasi troll siya. Trabaho, kasi wala siyang pera, e.

“So, ‘yon yung ng effect, ginawa niya yun, kumapit siya dun kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya.

“Kaya sabi ko sa iba naming kaibigan, huwag niyo nang patulan, di ba?

“Masakit man, pero yun ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin yun, di ba?

“Hindi man katanggap-tanggap, pero siguro wala na siyang choice.

“Mabait naman ‘yan, e, pero ngayon, magugulat ka talaga yung mga post niya…tapos nalaman namin troll pala siya.”

Sabi pa ni Vice, “Umabot na siya sa ganoon samantalang dati, sabi ko, kapag walang pera yun, super pa-Gcash. Nagpapa-Gcash sa mga bakla na, ‘Teh, pa-send naman kasi wala talaga,’ tapos umabot na siya…

“E, ngayon, siyempre siguro lahat napa-Gcash na niya, kumapit na sa pagiging troll, at marami pong ganyan, ha?”

Sa exclusive na panamayam ni Juliana sa PEP.ph, inamin niya na nagkaroon ng epekto ang pa blind item ng komedyante sa personal na buhay niya.

“Noong una po, alam ko sa sarili ko na hindi ako iyon, kasi yun nga po sa GCash at yung troll daw para sa pera.

“Hindi ko naman naisip na ako iyon.

“Pero nung ang mga nasa the same circle na ang nagta-tag sa akin, nagse-send ng mga video, parang pakiwari ko, baka ako ang tinutukoy niya kahit pa hindi naman ako yung idini-describe dahil sa akin pinapatungkol ng mga kakilala namin.

“Saka may mga nangyari na noon bago pa ito.

“Gaano kasakit na akusahan ka na troll at ipamukha sa ’yo ang sobrang kahirapan mo?

“Masakit po sa akin kasi totoong mahirap lang po ako. Maaga po na namatay ang tatay ko kaya ginawa kong inspirasyon si Vice na itutok ang pagbawi sa nanay.

“Walang araw po sa buhay ko na hindi ako nagbanat ng buto para may maipakain sa nanay ko at mabigyan siya ng konting ginhawa sa buhay.”

Dagdag pa niya, “Kahit sino naman po, puwedeng mang-api ng mahirap. Nagulat lang po ako na sa isang nagmula rin sa kahirapan at iniidolo ko pa manggagaling ang mga ganoong salita.

“Hindi po lahat ng hindi natin kapareho ng paniniwala ay troll at hindi po lahat ng mahirap na gustong manindigan ay kumakapit sa patalim.

“Hindi po pagkapit sa patalim ang magkaroon ng sariling opinyon,”

Nang tanungin si Juliana kung paano siya makakabangon sa isyu na ito, dagling sumagot ang komedyante, “Hindi po ako babangon dahil hindi naman po ako pinadapa ng mga sinabi niya,

“Nasaktan lang po ako dahil inidolo at tiningala ko siya. Hindi po ako makapaniwala na ganito pala, na ganito lang ang tingin niya sa akin at puwede pala na mangyari ito.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Juliana Segovia Pariscova, hindi mapigilang maging emosyonal matapos umano siyang tawaging “troll” ni Vice Ganda! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments