Talaga namang desidido ang komedyanteng si Herlene Budol o mas kilala sa bansag na Hipon Girl, na patunayan sa netizens na kaya niyang sumali sa prestihiyosong beauty pageant.
Kinumpirma mismo ng TV host at vlogger na siya’y sasali sa Binibining Pilipinas pageant at talaga namang nageensayo siya para makamit ang pangarap nitong maging isang beauty queen.
Kwento ng dalaga, ang kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino ang nagudyok sa kanya upang sumali sa Binibining Pilipinas.
“Minotivate po ako ni sir Wilbert kasi siya daw po nakakita ng potential ko. Parang sabi niya para ma-boost pa ‘yung confidence ko, maging maganda ako sa paningin ko kasi hindi rin talaga ako nagagandahan sa sarili ko,” Pahayag ni Hipon Girl na nadiskubre sa programa ni Willie Revillame.
Diretsahan ring inamin nin Herlene na nilalabanan niya ang takot sa pagsabak sa national pageant hindi lamang para maging isang beauty queen kundi para na rin sa kaniyang sarili.
“May kaba po sobra kasi ‘yung utak ko medyo hindi masyadong pasado sa standard siguro ng Binibining Pilipinas, pang-barangay lang po ako.
“Kasi nanalo ako dito sa amin, Binibining Angono ng Sining 2017 kaya po ako natawag na hipon kasi parang kinantsawan lang po ako,” aniya.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang Binibining Pilipinas ay hindi lamang pageant para sa pagandahan at paseksihan, kung kaya’t nagpupursigi si Herlene na magtraining upang madelveop ang character nito pati na rin ang pagsagot sa mga katanungan.
“‘Yung utakan po, iyon po ‘yung dinagdagan po nila sa akin kasi wala po akong kaunting knowledge about sa kung ano, sa communication, tapos dapat kapag nagte-training kami English lang, walang Tagalugan.
“Tapos walking po, kung paano dalhin ‘yung heels kasi dati nakalimutan ko na siyang dalhin, natutumba na po ako,” sabi pa niya kay Karen.
Kwento naman ng TV host ay mas ginaganahan siyang magtraining ngayon dahil sa natatanggap na negative comments mula sa netizens. Aniya ay mas lalo niyang gustong mag focus sa sarili at sa pageant.
“Sasabihin nila ibigay na lang sa iba ‘yung opportunity kasi hindi naman deserve tapos ‘yung iba naman wala daw akong class bakit sasali ako sa ganoon? Wala naman pinipili ‘yun.
“Hindi ka naman sumali doon para may patunayan sa iba, dapat may patunayan ka muna sa sarili mo kasi para ma-improve ‘yung self-confidence, ‘yung mga mali po sa akin maitama. Hindi ko naman ‘to ginawa para sa iba, eh. Ginawa ko ‘to para sa sarili ko,” diin pa niya.
Bukod sa pagsali sa beauty pageant ay masaya ring ibinalita ng TV host at aktres na sa wakas ay makatatanggap na ito ng diploma sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management.
Pahayag ng dalaga, “‘Yung sinasabi kapag may kita kang pera, tatamarin ka nang mag-aral. Ang akin naman po, bakit ako magtatrabaho, para saan, para po makapag-aral.
“Pwede ka naman po magtrabaho habang nag-aaral. Pwede kang mag-aral habang nagtatrabaho.
“Pwede naman po akong tumigil na talaga dati pero ayaw ko pong madismaya sila tatay tsaka si nanay, lolo at lola ko po kasi pangarap po nila sa akin maging flight attendant.
“Kasi may kamag-anak sila, matanda na ngayon, sabi nila, ‘Alam mo anak ‘yung tita mo taga-Pangasinan nag-flight attendant, tingnan mo nakapag-around the world sila,’” aniya pa.
The post Sikat Na Artista Kinumpirmang Sasali Sa Bb. Pilipinas At Ngayon Ay Puspusan Ang Training Niya Para DIto! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments