Piolo Pascual Nagbigay Ng Pahayag Sa Paglipat Ni Bea Alonzo Sa GMA-7!

Kamakailan lamang ay kinompronta ni Bea Alonzo ang kaibigang si Piolo Pascual kung may sama ba ito ng loob sa kaniya dahil sa biglaang paglipat nito sa GMA-7.

Ang aktres na si Bea Alonzo ay nanatiling Kapamilya sa loob ng 20 taon bago ito lumipat sa GMA-7 network.

Sina Piolo Pascual at Bea Alonzo ay matagal nang magkaibigan. Ang kanilang pagkakaibigan ay nagsimula sa pelikulang Dreamboy noong 2005.

Dahil na rin sa kanilang matibay na pagkakaibigan ay nais linawin ni Bea Alonzo kung mayroon ba silang alitan o samaan ng loob.

“Pi, kakausapin sana kita, e. Ang weird lang… Di ba ok tayo?” tanong ni Bea nang tawagan niya sa mobile si Piolo.

“May nakausap kasi ako. Gusto ko tanungin ka nang diretso.

“Parang nag-air ka ata ng sama ng loob tungkol sa paglipat ko sa taong kausap ko. Siyempre di ko na sasabihin kung sino.

“Parang, may nasabi ka na you didn’t like that I went to GMA. Things na parang medyo hurtful for me.

“Kasi magkausap pa tayo the last time. Magka-Viber tayo. Gusto ko lang tanungin kung totoo kung may sama ka ng loob sa akin?”

Lingid sa kaalaman ni Piolo Pascual na isa laang itong prank call kasabay ng April Fool’s day.

“Sa totoo lang, sorry ha, kung sino man source mo, sabihin mo kausapin ako kasi ba’t naman ganun? Ba’t naman sasama loob ko sa ‘yo?

“That’s your choice. Di ko alam kung saan nanggagaling ‘yan, Bea.

“Pero sorry, yung mga nasabi mo, I don’t think… Ba’t naman sasama loob ko sa ‘yo?” Sagot ni Piolo Pascual.

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Pero wala ka namang ibang kinasasama ng loob sa akin at all?”

“Uy, ano ka ba? My gosh! Weird! Oh gosh,” sagot ni Piolo.

Sabay paliwanag ni Piolo, “Nalungkot ako nung lumipat ka, pero hindi masama loob ko.

“Parang that’s your decision, di ba?

“Kung sino man umalis, kung sino man lumipat, siyempre you’ll feel bad about it.

“Pero you don’t even have the right to say na masama loob mo.”

Seryosong pagpapaliwanag ni Papa P habang nagpipigil ng tawa si Bea ALonzo.

Katagalan ay hindi na kinaya ng aktres at sinabing isa itong prank.

“Alam mo yung akala ko talaga magkaibigan tayo. Matagal na… Wala lang, gusto ko lang sabihin sa ‘yo na prank call ito,” pag-amin sa wakas ni Bea.

“Adik ka. Yun na yun?!” reaksiyon ni Piolo.

Sagot ni Bea, “Nakakainis ka! Wala man lang ako makuha sa ‘yo. Parang mas kinabahan pa ako kesa sa ‘yo.

“Hay nako! Joke lang yun. Yun lang! Love you!”

 

The post Piolo Pascual Nagbigay Ng Pahayag Sa Paglipat Ni Bea Alonzo Sa GMA-7! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments