Nadine Lustre May Inamin Sa Kanyang Totoong Pagkatao!

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng singer actress na si Nadine Lustre kung gaano nito na-enjoy ang kanilang lock-in taping sa pagbabalik nito sa big screen.

Sumailalim si Nadine Lustre sa isang lock-in taping upang tapusin ang shooting para sa kaniyang comeback film na pinamagatang “Greed” under Viva Films at sa direksyon ni Direk Yam Laranas.

Ayon kay Nadine Lustre ay bukod sa talaga namang kahanga-hangang kwento ng pelikula, isa ito sa hindi niya makakalimutang proyekto dahil sa kaniyang bonding moments kasama ang production staff at kaniyang mga co-actors.

Ang pelikulang “Greed” ay tungkol sa buhay ng dalawang lotto winners na sina Diego Loyzaga at Nadine Lustre na talaga namang nagbago dahil sa kasakiman.

“Ang pinaka-naenjoy ko po talaga is in general, makatrabaho silang lahat. Not because, hindi ko siya tiningnan as actors or our profession.

“Mas tiningnan ko when we are off-cam, pag nasa set lang po kami, nagpapahinga, nagge-get-together or nagkukuwentuhan, mas do’n po kasi ako naka-connect sa kanila.

“And I love na parang hindi kami nagtrabaho at all. Parang nagha-hang-out lang kami sa set. And what I really loved about it, si Direk kasi, he’s very collaborative. And I love that we exchanged stories.

“We all exchanged music. As in, kapag naka-standby po talaga kami, kung ano-ano ang pinapatugtog namin. Kung ano-ano pinag-uusapan namin,” pahayag ni Nadine sa virtual mediacon ng “Greed”.

Dugtong ng dalaga, “So, it’s really more the real people behind the camera that’s what I discovered.”

Dagdag pa ng aktres ay minsan na rin siyang naging “greedy” dahil sa pera at ‘yun ay noong mga panahong wala pa siyang alam sa pag-hahandle ng kaniyang finances.

“When it comes to kung kailan po ako naging greedy, I think meron po kasing time na siyempre, mas bata pa po ako noon, so kapag may pumapasok na pera, medyo nakakalimutan ko na kailangan ko pala siyang itabi. Kailangan ko pala siyang i-save para sa future,” paliwanag ng dalaga.

“Minsan, nagagastos ko, especially sa maliliit na material things like eating out, buying mga items like bags, designer stuff. I guess, in a way, understandable din naman. Not necessarily because of my line of work but also because, hindi pa rin ako marunong mag-save nu’ng time na yon.

“And hindi ko talaga naa-appreciate yung value ng pera. So, para sa akin, kapag may pumapasok, parang ang dami kong gustong bilhin. Gusto kong i-enjoy yung pera,” dagdag pa niya.

“I’m the breadwinner of the family. So, growing up whenever I would have gigs before or kaya mga commercials, that’s what I used to do before. So, every time I would get my talent fee, it would always be spent with the whole family, tuition fees of my siblings.

“So when I started earning more because of the movies, teleseryes, endorsements, parang may time na naging greedy ako when it comes to spending on myself.

“Just because you know, I didn’t experience buying the things I like, just spending money on myself. So medyo naging greedy ako nu’ng time na yon, but eventually, you know, I grew older and I learned,” katwiran pa niya.

At ngayong mas nagkaedad na siya at nag-mature na rin ang pananaw sa buhay, “I’m more aware of the money that I’m receiving. Mas masinop po ako sa pera, mas matipid po ako ngayon. I’m not really the same anymore. I do save money for the future. It’s completely different.”

The post Nadine Lustre May Inamin Sa Kanyang Totoong Pagkatao! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments