Nakatanggap ng samu’t saring mura at pambabanta ang Kapamilya actress na si Melai Cantiveros matapos itong magpahayag ng suporta sa kaniyang napiling Presidential candidate na walang iba kundi si Vice President Leni Robreto.
Kasalukuyan nang pinahahanap ni Melai Cantiveros ang netizen na lakas loob siyang tinawag na magnanakaw at nilait-lait pa ang kaniyang buong pamilya pati na ang mga anak nito.
Bilang isang ina ay talaga namang nakakagalit na pati ang iyong mga anak ay madadamay sa kontrobersiya at pangaalipusta kung kaya’t hindi palalampasin ni Melai ang panglalait na ginawa sa kaniyang dalawang anak na sina Mela at Stela.
Nitong March 26 lamang ay ipinost ni melai Cantiveros sa kaniyang Instagram account ang mga screenshot na naglalaman ng below the belt na hirit ng isang basher laban sa kaniya at kaniyang pamilya.
Ayon sa basher, “SARAP KUMAIN NG GALING SA NAKAW… SUMPAIN MGA ANAK MO GAGA.
“BOYCOTT PRODUCTS ENDORSE NI MELAI. ISA ITONG MAGNANAKAW. ISA ITONG P*TA NG LIPUNAN.
“ANO PANGIT??? NAGMAMALINIS KANG HAYOP KA… NANAY MO MAGNANAKAW GAGA pinalaki ka sa pagnanakaw ng ina mo.
“ANO? MAGNANAKAW SI MARCOS PA MORE… MAKITA LANG NAMIN KAYO SA LAVAS KAHIT KASAMA MO MGA ANAK MO P*T**G Ina KANG PANGIT KA,” Base sa mga komentong ito ay hindi maikakailang isang loyalista ni presidential candidate Bongbong Marcos ang netizen na ito.
Bukod pa rito ay nagpost pa ang netizen ng mensahe kung saan isinusumpa nito ang mga anak ni Melai.
Samantala, hindi kayang palagpasin ni Melai Canativeros ang ganitong mga patutsada kung kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa mga netizens at abogado upang mahanap ang pagkakakilanlan ng basher na ito.
“Nananawagan po ako kung nasaan ang taong itu nang masampahan ng nararapat legal na aksyun.
“Paki PM po ako Maraming Salamat Matigil na ang mga pang haharass na tu At para sayu na nasa picture na yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN.
“Nananawagan din ako sa mga #LawyersForLeni @lawyersforleni,” Ayon sa Kapamilya Actress.
Hindi maikakaila na ang galit na ito ay nagmula sa pagpapahayag ni Melai Cantiveros ng pagsuporta sa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.
Sa kabilang banda, nangako naman ang mga netizens maging ang mga taga suporta ni VP Leni na tutulungan nila ang akres upang matukoy ang pagkakakilanlan ng netizen.
Sabi ng nga isang netizen, “Melai need mo na sigurong doblehin ang pag-iingat dahil mas tumitindi pa ngayon ang bangayan sa politika. Kailangang unahin mo rin ang security ng iyong pamilya lalo pa’t may mga anak ka.”
Ito naman ang advice ng isa niyang fan, “Melai siguro magpa–blotter ka na rin dahil sa natatanggap mong panghaharas. And hire a legal counsel immediately para makasuhan agad yang basher na yan. Libelous na ang pinagsasasabi niya.”
The post Sikat Na Artista Pinagbantaan Ng Mga Anti-Leni Matapos Nitong Magpakita Ng Supporta Kay Leni! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments