Ana Jalandoni aminadong mahal na mahal pa rin ang kaniyang kasintahang si Kit Thompson kahit na kamuntikan na nitong ika-bulag ang pambubugbog na ginawa nito sakkanya.
Ang tanong, kamusta na nga ba ang sexy actress na si Ana Jalandoni?
Sa isinagawang media conference nitong March 28, 2022 ay inilahad ni Ana Jalandoni ang bawat detalye ng pananakit na natanggap nito mula sa kaniyang kasintahan.
Labis na napuruhan ang kaniyang kanang mata at inamin pa nito na nagkaroon ng gasgas ang loob ng kaniyang mata.
“Sa ngayon po, ahh… meron po siyang parang gasgas sa loob. So, parang.. ganyan. Pero sabi ng mga doktor is.. babalik din siya sa normal,” Paglalahad ni Ana Jalandoni.
Ayon sa aktres ay sa ngayon, may pagka-blurred ang kaniyang paningin.
Dahil sa kaniyang sinapit ay minabuti muna ng aktres na magpahinga sa showbiz, ngunit hindi pangmatagalan.
Ang ‘di kanais nais na pangyayaring sinapit ng aktres ay siya ring dahilan ng pagkaudlot ng launching ng kaniyang pelikula kasama si Aljur Abrenica na pinamagatang “Manipula.”
Matapos ang trahedya ay hindi pa nabibigyan ng pagkakataon sina Kit Thompson at Ana Jalandoni na magusap ngunit nagbigay ng mensahe at payo ang aktres para sa dating kasintahan at sinabing “Fix yourself.”
Labis na ikinagulat ng netizens ang kaniyang mensahe para kay Kit na tila wala itong nararamdamang galit para sa aktor.
Depensa naman ni ng aktres, “Ahhm, mahal ko po naman talaga yung tao. Pero siyempre ho, yung galit, nandun po yun.
“Kaya nga po namin pina-file yung case, kasi dun namin idadaan yung galit ko sa tamang proseso po.
“Pero bilang tao po, alam ko ho na maraming nakakagawa ng hindi maganda dahil sa emotions and everything.
“Pero… tao rin ho ako, e. Siyempre ho, marunong akong magpatawad pero may consequence yung ginagawa natin pag gumagawa tayo ng mali.”
Nagbigay din ng mensahe si Ana para sa mga kababaihang pinanghihinaan ng loob.
“Sa mga babaeng katulad ko na nakaranas ng ganitong pangyayari, na nasaktan… huwag kayong matakot!” bulalas ni Ana.
“Dahil unang-una, hindi tayo dapat sinasaktan ng mga lalaki — kahit ano pang problema ‘yan, kahit ano pang isyu — hindi tayo dapat pinagbubuhatan ng kamay.
“Kaya nga po nandiyan yung salitang, ‘Pag-usapan niyo nang maayos.’
“Kung mangyari man po sa inyo yung mga ganyan, lumaban po tayo. Huwag po nating… parang isantabi, o ikimkim lang na tanggapin.
“Dahil tayo ho ang kawawa diyan. Kailangan po nating putulin yung tali na iyan. Kailangan pong labanan natin ‘yang takot na ‘yan.
“Kung alam mong nasa tama ka, gawan mo ng paraan.
“Nandun yung takot, alam ko po yun. Pero… sa ngayon po, kailangang putulin ‘yang ganyang pangyayari.
“Hindi po ‘yan dapat gayahin ng kahit sino man. Dapat labanan niyo po. Lakasan po niyo ang loob ninyo. Huwag po kayong papayag na saktan kayo ng isang lalaki.”
Samantala, hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ng aktor na si Kit Thompson at ng buong kampo nito.
The post Ana Jalandoni Galit Man Sa Pananakit ni Kit Thompson, Ginulat Ang Lahat Matapos Aminin Ang Bagay Na Ito! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments