Video ni Ronnie Alonte at Loisa Andalio na ginagawa ang bagay na ito, trending ngayon sa social media

Walang humpay na “Sana All” na naman ang komento ng mga netizens sa pinaka bagong video ng magkasintahang si Ronnie Alonte at Loisa Andalio kung saan kumasa sila sa sikat na online game na “Not My Arms Challenge.”

Sa video na ibinahagi nila sa kanilang joint Youtube account, aliw na aliw na ginawa ng magkasintahan ang challenge kung saan magluluto habang nakayakap ang aktor kay Loisa, at ang kamay niya mismo ang gagalaw habang nagbibigay lamang ng instructions ang aktres sa gagawin ng nobyo.

Samu’t saring nakatatawang komento rin ang nasa comment section ng video, dahil baka umano kung saan mapunta ang kamay ni Loisa na nakatago sa kaniyang likuran.

“Pa’no magluto ng Tinola? First kailangan may jowa ka. Me: Ay, wag na pala magluto”

“kalmahan molang loisa iba dinadakma mo”

“Nakakainggit naman dis . HAHAHA sanaol nalang talaga ako Loiniee.. “

“SECRET RECIPE OF LOINIE”

Speaking of recipe, matagal bago nainlunsad ang tambalang Ronnie at Loisa sa publiko, ngunit agad na nag click ang dalawa dahil sa natural na koneksyon at chemistry nila sa isa’t isa. Ano kaya ang itinatagong sikreto ng dalawa?

Sagot ni Ronnie, hindi tulad sa ibang mga love team na naging magkatrabaho muna bago naging mag dyowa, mas naging maayos at nakakikilig ang kanilang samahan dahil naging sila muna bago sila mabigyan ng proyekto.

“Sa totoo lang po, totoo kami.

“Kami po yung mag-love team na totoong magdyowa!”

 

Dagdag pa niya, “Pero siguro po, yung pagiging totoo namin, pagiging kalog namin.

“Walang kahalu-halong harang. Lahat, out kami.

“Hindi namin itinatago kung ano man ang meron sa amin.

“At saka, yun siguro, kapag nagtrabaho kami, talagang trabaho talaga.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Video ni Ronnie Alonte at Loisa Andalio na ginagawa ang bagay na ito, trending ngayon sa social media appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments