Aktres na si Sunshine Guimary, umani ng iba’t ibang reaksyon matapos ibahagi ang kondisyon ng kaniyang nasalantang bahay sa Cebu

Lubos na nanglumo ang influencer at sexy star na si Sunshine Guimary matapos niyang ibahagi ang naging pananalanta ng bagyong Odette sa kaniyang bahay sa Cebu.

Kamakailan lamang ay sinalanta ng bagyong Odette ang parteng Vizayas, kung saan daan-daan na ang namatay, nawalan ng bahay at may nawawalang kamag anak.

Bukod doon ay kasalukuyang wala pa ring tubig at kuryente sa kamihan sa mga lugar, kung kaya naman nakakadagdag ito sa kaguluhang nangyayari.

Samantala, maraming mga artista rin ang naapektuhan ng nasabing bagyo, kabilang ang sexy actress na si Guimary.

Sa kaniyang Instagram Story, sunod sunod niyang ipinakita ang kondisyon ng kaniyang bahay na minsan na ring napag usapan ng netizens dahil sa taglay na gara nito.

Sa mga larawan, makikita ang basag basag na chandelier sa itaas na parte ng bahay.

Makikita rin na tuluyang natumba at nasira ang mga puno na naka paligid sa kaniyang mansyon.

Karamihan din sa mga gamit sa loob at labas ng bahay ay lubos na nasira.

Ayon kay Guimary, kinakailangan na niyang umuwi sa Cebu upang asikasuhin ang casualties ni Odette.

Sa kabila ng pag aalala ng kaniyang mga fans, maraming netizens din naman ang nagbigay ng ibang reasyon sa kasalukuyang problema ni Guimary.

“Mas kawawa ung mga pobreng nasiraan ng bahay dahil sa ba6y0 na walang pera para makapag paayos ng bahay ulit at makapag simula”

“Kahit hindi niyo na intindihin yan masira o Iubugin man yung bahay niya na kasama siya meron naman pampagawa ng bahay yan e paano pa kaya ung kapos palad na mamamayan”

“marami nmn pampaayos yan mas kawawa yung mga mahihirap na nalimas tlga.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Aktres na si Sunshine Guimary, umani ng iba’t ibang reaksyon matapos ibahagi ang kondisyon ng kaniyang nasalantang bahay sa Cebu appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments