Ginulatng beauty queen at aktres na si Winwyn Marquez ang marami sa kanyang mga tagahanga nang ihayag nitong Sabado na nasa second trimester na siya ng kanyang pagbubuntis.
Ginawa ni Marquez ang anunsyo sa press conference para sa kanyang upcoming movie, ang Metro Manila Film Festival entry na “Nelia.”

Bagama’t masaya siyang ibinahagi ang magandang balitang ito sa publiko, umaasa si Marquez na panatilihing pribado ang iba pang mga personal na bagay, kabilang ang mga plano nila sa hinaharap na magkasama.
Ngunit nilinaw niya na wala siyang balak itago ang kaniyang pagdadalang tao sa publiko.

Aniya, “I tried to… siyempre gusto ko muna siyang itago hanggang hindi pa sure lahat, di ba? I want it to keep it for me and for my family to enjoy muna pero syempre hindi ko rin naman ini-expect na lalabas ang Nelia sa MMFF.
“And I took it siguro as a sign na lang din na i-share kasi mahirap din naman talagang itago. Kailangan ko rin talagang tulungan yung film to promote kahit online at gusto ko rin talagang makapunta sa presscon and be with everyone, di ba, kahit medyo nag-a-adjust pa yung body ko with everything.”

Dagdag pa niya, “I’m happy. Kontento naman ako with my relationship. He is a private person kaya hindi ako makapag-share. Saka gusto ko rin na siyempre may part naman na amin lang. ‘Yon lang ‘yung sa akin ngayon,
“Pero happy ako. Happy kami na we’re blessed of something na I really prayed for. Tapos bliness pa ako ng isa pang baby which is ‘Nelia’ na hindi ko rin naman in-expect na makakapasok [sa MMFF],”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Winwyn Marquez, nagpaliwanag sa fans na wala siyang balak itago sa publiko ang kaniyang pagdadalang tao appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments