Hindi napigilan ni Karla Estrada ang kanyang emosyon nang magbalik tanaw sa hirap na pinagdaanan ng kanyang pamilya noon.
Last December 12, nag-guest si Karla sa digital talk show ni Toni Gonzaga na ‘Toni Talks’. Kung saan napag-usapan nila ang mga problemang kinaharap ng kanyang pamilya noon.
“Hindi naman magiging masarap yun kung ganun kadali yun eh so ginapang talaga. I was really tested, hindi lang yung sa panganganak, pati yun sa pang-araw-araw. San ka kukuha?” aniya.

Ito ang nagtulak kay Toni na tanungin si ‘Momshie’ Karla tungkol sa kuwento kung saan naputol ang kanilang kuryente at kailangan niyang pamaypayan ang kanyang mga anak.
Ayon kay Karla, after her turn, ginising niya ang panganay na si Daniel para magpaypay sandali. Nang matapos siya sa kanyang pag papaypay, umiyak si Karla nang marinig siyang humihikbi.

“Pagkatas niya magpaypay, tumalikod, gumanun na siya pero narinig kong humikbi,” kuwento ng aktres.
Tinanong tuloy ni Toni kung tinanong ba niya si Daniel kung bakit siya umiyak noong panahong iyon at sinagot naman ni Karla na hindi. Ayon pa sa kaniya, hanggang ngayon ay hindi niya alam ang dahilan sa likod nito.
“Hanggang ngayon di ko naman alam kung bakit kasi ayokong tinatanong yung anak ko ng ikalulungkot niya. Parang gusto ko lang matatag siya kasi kuya siya. Hindi ko pinansin pero narinig ko. Humikbi lang siya, ako ngumangawa,” dagdag pa niya.

Nang tanungin ni Toni Gonzaga sa panayam tungkol sa pinakamahalagang aral na natutunan niya sa buhay, sinagot ni Karla Estrada na ito ay ang pagiging bukas.
“Maging bukas tayo, marunong tayong makinig dahil hindi tayo laging tama. Kailangan mo pa bang madapa nang paulit-ulit para masabi mo sa sarili mong tama pala ang nanay mo?” paliwanag ng Magandang Buhay star.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Karla Estrada, hindi mapigilang maiyak matapos alalahanin kung paano sila naghirap noong mag iina appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments