Hindi mapigilan ng singer na si Angeline Quinto ang sunod-sunod na pagpatak ng kaniyang luha matapos niyang maalala ang kaniyang namayapang adoptive mother na si Mama Bob sa kaniyang latest Youtube livestream.
Kamakailan lamang ay kinumpirma niya ang matagal nang usap-usapan ukol sa kaniyang pagbubuntis.
Sa panayam niya sa King of Talk, Boy Abunda, inamin nito na siya ay limang buwan nang nagdadalang tao at ang kaniyang kasalukuyang non-showbiz boyfriend ang ama.

Ayon sa kaniya, nabigyan siya ng bagong rason para mabuhay noong malaman niyang buntis siya.
“Simula nang mawala ang Mama Bob, hindi ko na alam kung para saan ako. Ano nang purpose ko sa buhay? Ano nang misyon ko sa buhay? Iyan ang lagi kong dinadasal. ‘Lord, ituro Niyo naman sa akin, para saan na po ako ngayon.’

“Kasi nararamdaman ko, kahit may trabaho ako, hindi ako masaya. Totoo, hindi ako masaya. September noong nalaman ko na buntis ako,”
Dagdag niya, “Excited na excited ako. Ngayon lang ako naging excited nang ganito sa buhay ko. Siyempre hindi naman mawawala sa mga iniiisip ko kung paano bang maging nanay. Parang hindi na ako mahihirapan kasi ang daming mga nanay na malapit sa akin, at unang-una, napalaki naman ako nang maayos ng Mama Bob.
“Ako, I’m sure, magiging mabuting nanay din ako sa anak ko. Iyon ‘yung habang buhay kong babaunin, e, lahat ng mga naiwan sa akin ng Mama Bob. Hindi na ‘yung materyal na bagay. Ang akin, ‘yung mababaon ko talaga hanggang pagtanda ko, ‘yung mga natutunan ko kay Mama,”

Ngunit sa kaniyang live nitong linggo lamang ay hindi niya mapigilang maging emosyonal matapos magkuwento tungkol sa kaniyang ina, “Gustong-gusto niya talaga ako magkaroon ng sarili kong anak.”
Tuloy-tuloy ang buhos ng luha ni Angeline, “At I’m sure kung saan man ang Mama Bob ngayon, isa siya sa pinakamasayang tao dahil magkakaroon na siya ng apo sa’kin. At alam ko naman na dinasal ng Mama Bob ko yan kasi ayaww na ayaw niya po na mag-isa ako sa buhay.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Angeline Quinto, tuluyan naging emotional matapos alalahanin ang namayapang ina sa kaniyang pagbubuntis appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments