Nilubos-lubos muli ng aktres at dancer na si Yassi Pressman ang pagkakataon niyang makapag unwind at relax sa Siargao na matagal na pagkakataon niya ring hindi nagawa.
Matapos ang sunod-sunod na schedule sa trabaho ay sinigurado ni Yassi na magkakaroon siya ng oras para sa kaniyang sarili, at kitang-kita naman ang kaniyang kasiyahan sa kaniyang mga Instagram posts.
Sunod-sunod na nag bahagi ang aktres ng mga memorable moments niya sa Siargao, katulad na lamang noong nag tampisaw siya sa poso upang mag banlaw matapos siyang mag surfing.
“Buhay probinsya!!!!! The simple things! Salamat po sa mga kapitbahay na pinayagan ako na magrinse sa labas ng bahay nila bago umuwi after magsurf! Hihi lablab.”
Ibinunyag din niya na binisita niya ang kaniyang malapit na kaibigan na si Andi Eigenmann, na ngayon ay situated na sa Siargao kasama ang kaniyang fiance na si Philmar Alipayo at tatlong anak na si Ellie, Lilo at Koa.
Sa litrato na ibinahagi ni Yassi, makikita na kasama ni Andi ang kaniyang tatlong chikiting.
Hindi rin maitago ng aktres ang pagka miss sa kaniyang kaibigan.
“I love when you see some of your real friends and years go by but everything just feels like yesterday ~
Don’t we look like we’re all sisters lang?? LOL. Wuvyu & your beautiful fam @andieigengirl ”
Samantala, nag kwento rin ang aktres tungkol sa kaniyang mga surfing lessons.
“Just ride the wavvvveeeee
Day 1 of our Surf Camp!! With @mangcarding & @party_sleep
For my first day I bought merch na galing sa “Pilipinas Surfing” ~ sa pagbili at pagsuporta natin sa merch nila, a portion goes straight to our athletes. Nahiya man ako suotin dahil akala ko talaga di ako makakatayo HAHA kinuha ko pa rin para kahit papano matulungan natin sila while having fun with this new experience!!!!”
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Yassi Pressman, masayang ibinahagi ang kaniyang karanasan sa pagbabakasyon sa Siargao appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments