Matapos ang sunod-sunod na pahiwatig ng aktres na si Jennica Garcia ukol sa kaniyang hiwalayan sa asawang si Alwyn Uytingco makailang buwan ang nakalilipas ay tila nanunumbalik muli ang sigla ng kanilang relasyon base sa kanilang mga recent social media posts.
Kung matatandaan ay tila nasa bingit na ng kawalang pag-asa ang kasal ng dalawa dahil umabot na sa puntong lumipat na si Jennica ng bahay at nag benta ng gamit upang makapag simula sila ng dalawang anak.
Tinanggal na si ni Jennica ang “Uytingco” sa kaniyang mga social media usernam kung kaya naman ang palagay ng mga netizens ay isa na namang celebrity couple ang hindi nagtagumpay sa kanilang relasyon.
Ngunit kamakailan ay muling nagpapahiwatig ng pag sibol ang mag asawa at sa isang panayam sa PEP.ph para sa kaniyang GMA afternoon series na Las Hermanas ay kinumpirma ni Jennica na muli nilang sinusubukan ni Alwyn na isalba ang kanilang kasal alang-alang sa mga bata.
“Alwyn and I are working on our marriage.
Dugtong pa niya, “We are looking into the Lord for breakthrough. So, yun po.”
Ngunit sa ngayon daw ay iyun lang muna ang nais niyang ibahagi sa estado nila ngayon.
Paliwanag pa ng aktres, “Kinakabahan po kasi ako kapag nakikita ko kami sa social media na napag-uusapan.
“As much as I’d like to say that I don’t really care about what other people say, I think in my entire life, ito yung moment sa buhay ko na I’m not really in my best mental state.
“Kaya po I try to keep my answer short. Pasensiya na po kayo.”
Sa Facebook post ni Alwyn kamakailan ay pinasalamatan niya si Jennica sa pag tanggap sa kaniyang muli.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Jennica Garcia, masayang ibinalita ang posibilidad ng pakikipag balikan sa asawang si Alwyn Uytingco appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments