Maja Salvador, napa amin ng mga kaibigan sa ginawang “milagro” nilla ni Empoy sa pool!

Trending naman ngayon ang pinaka bagong drama-comedic tandem ng TV 5 na si Empoy Marquez at Maja Salvador matapos silang mag collab sa vlog ng aktor at sagutin ang mga kwelang tanong tungkol sa kanilang past.

Habang nasa break ng taping ng kanilang series na Nino Nina, napag isipan ng dalawa na mag vlog na lamang at laruin ang “Never Have I Ever” challenge.
At dito ay nabuko ang mga nakakalokang rebelasyon lalung-lalo na kay Maja!

Ayon kay Empoy, naranasan na niyang dumumi sa kaniyang pants noong siya ay bata pa lamang.

“I have, nu’ng high school pero alam mong nakasilip palang. Hindi pa bumuga,” kwento ng komedyante.

Habang si Maja naman ay inamin na madalas nakaka ihi sa kaniyang pang baba noong paslit pa lamang.

Samantala, pareho namang walang experience sa MOMOL (make out-make out lang) sa sinehan ang dalawa ngunit naikwento ni Maja na minsan na siyang sinundan ng kaniyang ina habang nanunuod ng sine kasama ang kaniyang kaklase.

Nabuking din si Empoy na may crush sa Tabing Ilog star na si Kaye Abad.

Ngunit ang pinaka nakakalokang rebelasyon ni Maja ay ang madalas niyang pag utot sa pool!

Ani Maja, nag simula ito noong napansin ng kaniyang boyfriend na si Rambo Nunez ang madalas na pag bula ng pool kung saan nakatayo ang aktres.

Paliwanag naman ni Maja, acidic umano siya kung kaya naman panay ang labas ng hangin sa kaniyang tiyan!

“Acidic kasi ako, kaya laging nagtataka si Rambo (boyfriend niya) bakit bumubula ‘yung swimming pool,” kuwento ng aktres.

Tawang-tawa naan ang dalawa habang nag lalabasan ng kanilang “baho” sa isa’t isa!

Samantala, aliw na aliw naman ang kanilang mga fans at humihirit na sana ay magkaroon ng part two ang kanilang collab.

 

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Maja Salvador, napa amin ng mga kaibigan sa ginawang “milagro” nilla ni Empoy sa pool! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments