Aljur Abrenica, inaming pinagsisisihan ang pag post niya ukol sa relasyon nila ni Kylie: Talagang minahal ko ang babaeng iyon

Hindi ipinagkakaila ng aktor na si Aljur Abrenica na lubos niyang pinag sisisihan ang kaniyang mahabang Facebook post kung saan ibinahagi nito ang mga personal na bagay ukol sa hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla.

Sa isang bahagi ng post, nagpahiwatig pa si Aljur na tila si Kylie nga ang totoong naunang sumira ng kanilang pamilya dahil ito raw umano ang naunang mang cheat.

Sinabi rin ni Aljur na panay one sided lamang ang kwento na lumalabas sa social media dahil sa usapan nilang huwag magsasalita sa publiko ngunit hindi na niya nakayanan na manahimik na lamang habang patuloy na inaalipusta ng madla.

Sa press conference naman ng kaniyang bagong pelikula na Manipula, inamin ni Aljur na “out of impulse” ang dahilan ng kaniyang pag popost sa Facebook.

“Well, I’m not proud sa nangyari. The reason why na nagawa ko iyon… out of impulse,” pag-amin ng aktor.

“Kasi I felt like nasadsad na ako, e, natulak… lubog na ako, nabugbog na ako.

“So, it was not my intention na maglabas ng ganoong post. Pero naramdaman ko talaga na kailangan na kasi.”

Dagdag pa niya, isa pa sa mga nagtulak sa kaniya upang gawin ang bagay na iyon ay ang patuloy na pang babatikos na natatanggap ng aktres na si AJ Raval na kumpirmadong nililigawan niya ngayon.

Ngunit kahit ngayon ay aminado pa rin siyang si Kylie ang itinuturing niyang “love of his life” at lubha pa rin siyang apektado sa pagkasira ng kanilang pamilya.

“I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ang babaeng iyon.”

“I value our family more than anything. So, I was really affected nung nangyari iyon.”

Kung kaya naman hinihiling ng aktor na sana ay huwag nang pahabain ng mga netizens ang kanilang issue.

“Pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali din ako.

“At for the sake of our children, si Alas and Axl, gusto ko lang matapos ito.

“She’s still the mother of my children. May pinagsamahan pa rin kami. I will never forget that. Pinagpapasalamat ko iyon.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Aljur Abrenica, inaming pinagsisisihan ang pag post niya ukol sa relasyon nila ni Kylie: Talagang minahal ko ang babaeng iyon appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments