LJ Reyes, Handa Nga Bang Patawarin ang Kaniyang Dating live in Partner na si Paolo Contis?

Diretso at mariin ang sagot ng aktres na si LJ Reyes kung handa nga ba siyang patawarin ang dating partner na si Palo Contis matapos ang kanilang hiwalayan kamakailan.

Kung dati ay bakas ang pag hihinagpis ni LJ sa pag iwan sa kaniya at ng dalawang anak na si Aki at Summer, ngayon ay makikita mong mas matatag na ang ang aktres.

Para kay LJ, hindi madali ang magpatawad.

“Ang forgiveness is a work in progress. Hindi madaling ibigay ang forgiveness, di ba?

“Lahat naman tayo we get hurt, we get angry, but you work on it every day to forgive people, to forgive yourself, or whoever.

“You pray about it.” kwento niya sa ekslusibong panayam sa kaniya ng reporter na si Nelson Canlas para sa GMA 24 Oras.

Hindi na nag detalye ang aktres tungkol sa hirap na pinag daanan niya noong nag hiwalay sila ni Paolo, ngunit makikitang ubod nang busy ngayon ang celebrity mom sa pag mamanage ng kanilang restaurant sa Brookyn, New York.

“For me, hindi kasi siya madaling bagay na ibigay.

“So, surrender lang talaga kay God, and I’m working on it.”

At kahit malayo sa Pilipinas ay hindi pinang hihinaan ng loob si LJ dahil napapaligiran umano siiya g mga kababayan na buo ang suporta sa kaniyang pinag dadaanan.

Ayon kay LJ, ang Filipino community sa New York ang isa sa nagbibigay sa kaniya ng inspirasyon ngayon.

“You know, surprisingly, walang nagtanong sa akin about or mention anything about my personal life.

“Ang sinasabi lang nila, ‘We’re so happy na makita ka namin. We just wanna let you know na we support you.’

“And no mention of anything else.”

Sa huli, sinabi ng aktres, “I’ve been always vocal if it weren’t because of God, yung ibinibigay na strength sa akin ni God, it wouldn’t have been possible.

“Hindi ko rin inakala na nandito na kami.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post LJ Reyes, Handa Nga Bang Patawarin ang Kaniyang Dating live in Partner na si Paolo Contis? appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments