Alex Gonzaga, tila may pasaring para kay Lolit Solis matapos nitong ipagkalat na nakunan siya

Tila may pasaring ang aktres at komedyante na si Alex Gonzaga para sa seasoned talent manager, TV at radio host na si Lolit Solis matapos kamakailan ay ipagkalat nito sa isang Instagram post na nakunan di umano ang sikat na vlogger.

Ayon kay Lolit, lubos siyang nahahabag sa nangyari kay Alex, kung kaya naman naisipan niyang ipost ito.

“Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga. Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang tutoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin. Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita.”

Dagdag pa niya, malamang di umano ay magagalit ang kampo ni Alex sa kaniyang ginawa dahil usap-usapan na balak nilang gawing content sa vlog ang nangyaring trahedya.

“Siyempre para sa sinuman babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa. Hindi naman siguro tutoo na nagagalit ang mother Pinty nila Alex st Toni na lumabas ang balita dahil gusto nga daw nila na maging exclusive sa vlog nila.”

Tinagawag niya ring “very petty” ang di umanong pag nanais ng pamilya na ibalita ang nangyari sa kanilang kampo mismo.

“Very petty ‘di ba? Dahil lang sa vlog pati ganitong balita itatago? Eh married naman si Alex, at paano itatago iyon medical record? Basta for us, get well soon Alex, at be strong. Magkakaruon ka pa uli ng baby, we pray for that. Amen. #classiclolita #74naako #takeitperminutemeganun”

Mapapansin na agad nag post si Alex sa kaniyang Instagram story ng makabuluhan na larawan na nagsasabing, “you can be kind and still say NO”

Sa mismong post ni Lolit, makikitang umalma rin ang asawa ni Alex na si Mikee Morada.

Ayon sa kaniya, “Mam masakit at nakaka dismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa. Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat.”


What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Alex Gonzaga, tila may pasaring para kay Lolit Solis matapos nitong ipagkalat na nakunan siya appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments