Maraming Pinoy celebrities ang car enthusiasts. Talagang handa silang gumastos ng milyon-milyon para lamang ma-achieve ang kanilang dream car! Kaya naman alagang-alaga nila ito at proud sila sa kanilang naipundar. Silipin natin ang naggagandahang sasakyan ng mga sikat na celebrity na ito.

1. Georgina Wilson: Jaguar F-TYPE Coupé
Bilang ‘it girl,’ hindi rin papakabog ang taste ni Georgina pagdating sa mga sasakyan! Maraming fans ang humanga matapos makita ang Jaguar F-Type Coupe ni Georgina. Ang red exterior nito ay bagay na bagay rin sa sexy at sultry personality ng aktres.

2. Isabelle Daza: Aston Martin
Unang nasilayan ang Aston Martin Rapide S ni Isabelle Daza nang i-drive niya ito papuntang Star Magic Ball noong 2015 kasama si Iza Calzado. Talagang vibrant ang kulay nito at bagay na bagay sa personality ni Isabelle.

3. Aljur Abrenica: Dodge Challenger
Ito ang kauna-unahang sasakyan na talagang pinag-ipunan ni Aljur mula sa kanyang sahod sa showbiz. Ang Dodge Challenger na SRT8 392 model ni Aljur ay hiniram rin mismo ng Hollywood actor na si Vin Diesel nang bumisita ito sa Pinas para sa taping ng “Fast and Furious.”

4. Anne Curtis: Audi Q5 and Audi A3
Noong 2014, ang Audi ang tinaguriang safest car at “World Car of the Year.” Si Anne Curtis ang kinuha nilang official ambassadress ng brand na ito. November 2014 naman nang ipakita ng aktres ang kanyang Audi A3 1.8 TFSI.

5. Manny Pacquiao: Ferrari 458 Italia, Porsche Cayenne Turbo
Kilala ang People’s Champ sa kanyang bonggang collection ng mga sports car! Ngunit isa na marahil sa pinakamagandang kotse ni Pacman ay ang two-seater Ferrari 458 Italia. Maging ang kanyang panganay na si Jimuel ay mahilig rin sa sports car gaya ng kanyang ama.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Silipin ang Mamahaling Sports Car ng mga Bigating Pinoy Celebrities na ito! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments