Pinatigil ang Eroplano Matapos Makita ang Itinatago ng Flight Attendant na Ito sa Kanyang Suitcase!

Hindi basta basta ang seguridad sa mga airport. Mahigpit na ipinapatupad ng mga airport security ang mga safety regulations upang masigurado ang kaligtasan ng mga pasahero. Ngunit minsan, mga airline personnel pa mismo ang sumusuway dito. Isa na sa kanila ay ang flight attendant na ito na huli sa akto sa ilegal na gawain nito!

Isang Indian flight attendant ang nawalan ng trabaho at naaresto pa matapos itong gawin sa flight. Ayon sa mga otoridad, kinilala ang suspek na si Devshi Kulshreshtha na nagta-trabaho bilang air hostess sa Jet Airways. Noong mga panahong iyon, ang kanilang travel path ay papuntang Hong Kong mula sa Delhi.

Read More: Matapos Magpa-Ultrasound, Hindi Makapaniwala sa ang Babaeng na Ito sa Nakita sa Loob ng Kanyang Tiyan!

Ngunit na-delay ang flight na ito matapos malaman ng mga opisyales na mayroon palang tinatago ang flight attendant. Pansamantala nilang hininto ang flight nang mapag-alaman na tinangka pala ni Devshi na magpuslit ng pera papuntang Hong Kong. Talagang nagulat ang mga opisyales sa kanilang nakita!

Limpak limpak na salapi ang nakumpiska nila mula sa gamit ng flight attendant. Sa isang video, makikitang binibilang rin nila ang tig £100 bills na itinago nito sa foil. Ayon sa mga otoridad, mahigit sa $500,000 ang sinubukang ipuslit ni Devshi.

Sa imbestigasyon ng mga Directorate of Revenue Intelligence (DRI) officials, may kasabwat si Devshi sa pagta-traffic ng ganito kalaking halaga. Isa na rito ang New Delhi resident na si Amit Malhotra, na nagi-smuggle ng pera palabas ng India.

Agad namang inaresto ang 25-anyos na flight attendant ng mga otoridad. Patuloy rin ang imbestigasyon ng mga pulis upang malaman kung may iba pang crew members ng Jet Airways ang kasabwat sa modus na ito.

Read More: Lalaking Na-Bully sa High School Dahil sa Kanyang Timbang, Pinahanga ang mga Bully Niya sa Bago Niyang Itsura Ngayon!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Pinatigil ang Eroplano Matapos Makita ang Itinatago ng Flight Attendant na Ito sa Kanyang Suitcase! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments