Sa kabila ng mga kontrobersya at ang kanilang paghihiwalay, tila hindi pa rin sumusuko si Jon Gutierrez o mas kilala bilang King Badger sa pag suyo sa kaniyang asawang si Jelai Andres.
Matapos ang sunod-sunod na isyu sa kaniyang pang bababae ay napag desisyunan na ni Jelai na sa wakas ay hiwalayan ang singer-rapper, ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin tumitigil sa pag suyo ang ginoo.
Sa kaniyang bagong Instagram post ay ibinunyag niyang ipina tattoo niya ang itsura ng mata ng asawa.

Samantala, wala namang pahayag si Jelai tungkol dito.
LEGAL COMPLAINT
Bukod sa annulment, ay nagsampa na rin ng concubinage complaint ang aktres at vlogger laban sa kaniyang asawa.
Kasabay ito ng pagdalo niya sa pangalawang hearing ng reklamong paglabag sa R.A. 9262, o Violence Against Women And Children (VAWC) Act, na una niyang isinampa laban kay King Badger.
Saad ni Andres nang humarap ito sa media noong Lunes, Hunyo 1:
“Meron pa po akong na-file na ibang cases sa ibang taong involved maliban kay Jon.

“Sobra na kasi, parang masyado na akong natapak-tapakan, tapos yung kabilang panig pa yung naghahamon at parang matatapang.”
Dagdag ni Jelai, alam niyang tama ang kaniyang ginagawa dahil magsisilbi rin itong aral sa kaniyang mga kapwa babae na tumayo para sa kanilang karapatan.
“I realized that we need to learn how to stand up and fight for our rights para makakuha ng justice.

“Hopefully, people will learn sa mga nangyari, lalo na yung mga taong hindi marunong mag-respect sa sanctity ng marriage.
“We all know na yung pakikiapid ay nasa utos ng Diyos na kasalanan talaga siya, at sa batas ng tao ay krimen talaga siya.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Sa Kabila Ng Paghihiwalay, Jon Gutierrez “King Badger”, Ipina-tattoo Ang Mata Ng Asawang Si Jelai Andres appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments