Sanay na tayong makita ang mga artista na laging todo make up sa publiko. Bilang public personalities, lagi silang nape-pressure na maging presentable sa lahat ng oras para sa kanilang fans. Ngunit dahil dito, hindi mapigilang magkaroon ng unrealistic na expectations ang mga fans pagdating sa kanilang mga idol.
Kamakailan lang, may bwelta ang “Queen of All Media” na si Kris Aquino sa kanyang basher online. Sa Instagram ay nagbahagi si Kris ng kanyang selfie, kung saan proud siyang ipinakita ang kanyang fresh na fresh na ‘no make up’ look. Ngunit mukhang lahat ay hindi na-impress dito.


Isa na sa kanila ang netizen na ito, na nag-iwan ng di magandang komento sa photo ni Kris. Ayon sa netizen, tila ba nadismaya siya matapos makita ang totoong itsura ni Kris tuwing wala itong make up: “Pangit pala si Miss Kris pag walang make-up. Sorry just saying,” pahayag ng netizen sa Instagram post.
Hindi naman pinalagpas ni Kris ang panlalait nito, at agad siyang nag-respond sa comment ng basher. Ayon kay Kris, kung gugustuhin niya ay kaya niya ring i-criticize ang itsura ng netizen, ngunit mas pinili niyang maging positibo dahil confident siya sa kanyang sarili.

“Beauty is in the ey of the beholder. I could so easily say a very bitchy comment about your looks right now pero bakit pa? Hindi naman ikakaganda ng buhay ko and hindi rin makakatulong sa lipunan. Siguro you need to find your happiness? At thank God diba, ako gumaganda pag may make up.”
Dagdag pa ng dating host, siguro’y kailangan lang ng basher na maghanap ng kaligayahan nito imbes na manglait lang sa social media. Sa kabilang banda, maraming fans naman ang nagpahayag ng suporta kay Kris dahil sa pagiging ‘bigger person’ nito.

Read More: Ilang Taong Sinuot ng Babaeng Ito ang Regalong Kwintas, Ngunit May Nakatagong Sikreto Pala Ito!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook.
The post Kris Aquino, Ni-Realtalk ang Isang Basher na Lumait sa Kanyang Sa Pag Tawag Sa Kaniya ng Pangit Pag Walang Makeup! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments