Robi Domingo, Ipinasilip ang Kanyang Dream Home na Inspired sa PBB House

Sa paglipas ng panahon, maraming celebrities na ang sumikat mula sa “Pinoy Big Brother.” Naging stepping stone ang reality show na ito ng mga baguhang artists na nangangarap sumikat sa industriya. Sa ilang taon, maraming ex-housemates na rin mula sa PBB ang naging successful na artista, gaya na lamang ni Robi Domingo.

Isang dekada na rin ang nakalipas magmula nang sumali si Robi sa “Pinoy Big Brother.” Taong 2008 nang pumasok ito sa bahay ni Kuya sa “Teen Edition Plus.”

At sa una pa lang, marami na ang natuwa dahil sa personality at charm ni Robi. Hindi man siya itinanghal sa grand champion, naging runner up naman si Robi.

Read More: Ilang Taong Sinuot ng Babaeng Ito ang Regalong Kwintas, Ngunit May Nakatagong Sikreto Pala Ito!

Kaya naman hindi maitatangging malaki ang naging bahagi ng “Pinoy Big Brother” sa buhay niya. Matapos niyang lumabas sa bahay ni Kuya bilang first runner up, nakatanggap rin si Robi ng kaliwa’t-kanang offers sa mga programa dahil sa kanyang talento. Ito rin ang nagbigay daan para maging sikat na host at VJ si Robi.

Kaya naman maging ang bahay ni Robi ay inspired rin mula sa PBB. Kamakailan lang ibinahagi ni Robi sa kanyang vlog ang kanyang most-requested video na house tour.

Proud na ipinasilip ng aktor ang kanyang tahanan, at ang hinugot niyang inspirasyon mula sa Pinoy Big Brother home dito.

Sa unang pagpasok pa lang ay tatambad na sa iyo ang mga naggagandahang halaman. Ayon kay Robi, hindi siya plantito, ngunit ang mga magulang niya ay natural na mahilig sa halaman. Kaya naman pati ang garden nila ay punong-puno ng mga magagandang halaman na itinanim ng mga ito.

Bukod pa dito, mayroon ring mala-confession room sa kanilang bahay. Gaya ng Bahay ni Kuya, sa confession room ay mas nakakapag focus sila. Dito rin daw sila nagdadasal ng kanyang pamilya, lalo pa’t tuwing kailangan muna nilang mapag-isa.

Read More: Nanay na Nagising sa Operasyon, Laking Gulat Matapos Makita ang Mukha ng Kanyang Sanggol

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Robi Domingo, Ipinasilip ang Kanyang Dream Home na Inspired sa PBB House appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments