Talagang marami pa tayong hindi nadidiskubre sa ating paligid. May mga nakakamanghang bagay na nagtatago lamang, at maswerte tayo kung masisilayan pa natin ito! Gaya na lamang ng mga mangingisdang ito mula sa Buenos Aires, Argentina. Hindi nila akalain na makakahanap sila ng once-in-a-lifetime na discovery!
Habang naglalakad sa Barrio La Flecha sa Ezeiza ay nakakita ang mga mangingisdang ito ng kakaibang bagay na tila ba nakabaon sa lupa. At dahil na-curious sila ay hinukay nila ito. Nagulat sila matapos tumambad sa kanila ang isang shell na tila ba matagal nang nakabaon sa ilalim ng lupa.


Read More: Ilang Taong Sinuot ng Babaeng Ito ang Regalong Kwintas, Ngunit May Nakatagong Sikreto Pala Ito!
Sa unang tingin, mukhang shell lamang ito ng malaking pagong. Ngunit nang iahon nila ito, saka lamang na-realize ng mga magsasaka na napakalaki pala nito! Agad nilang ipinasuri sa mga eksperto ang fossil na ito, at napag-alaman rin nila na isang prehistoric creature pala ang nahukay nila.
Isa si Oscar Vique mula sa Marcos Paz Paleontologican Reserve ang sumuri sa fossil na ito. Ayon kay Oscar, posibleng 10,000 years old mahigit ang edad ng fossils na ito, na galing sa isang glyptodon. Ang glyptodon ay prehistoric creature na ancestors ng mga modern-day armadillo.

Dagdag pa ng mga eksperto, kadalasan ay sa tabi ng ilog o iba pang anyong tubig nahuhukay ang mga ganitong klaseng fossil. Ayon sa kanila, ang mga glyptodons ay tuluyan nang nawala sa mundo 10,000 taon na ang nakakalipas, at ang armadillo na lamang ang pinakamalapit na kamag-anak nito ngayon.
Sa kabilang banda, labis naman ang tuwa ng mga mangingisda sa kanilang nadiskubreng ito. Ayon sa kanila, sana’y mas dumami pa ang turista sa kanilang bayan para masaksihan ang nakakamanghang fossil na ito.

Read More: Nanay na Nagising sa Operasyon, Laking Gulat Matapos Makita ang Mukha ng Kanyang Sanggol
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Isang Malaking Itlog ang Nahukay ng Mangingisdang sa Ilog Nang Buksan ito ng Eksperto ay ‘Di Sila Makapaniwala Rito. appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments