Netizens, Halos Hindi Makapaniwala Sa Bonggang Glow Up Ng Dating Child Singer Na Si Elha Nympha

Marami ang namangha sa matinding glow up ng dating child singer na si Elha Nympha matapos niyang ibahagi ang kaniyang fitness journey sa social media.

Simula ng quarantine ay napag desisyunan ni Elha na mag simula sa kaniyang pag papayat na naging resulta ng kaniyang mas malusog na pangangatawan.

Kung kaya naman ngayon ay body goals na ang singer!

Ayon sa kaniya, gusto niyang maging mas malusog upang makapag trabaho pa siya para sa kaniyang pamilya.

Kung kaya naman noong nag quarantine dahil sa pandemya ay ginamit na niya ang libreng oras niya upang masigurado na magiging fit na siya sa pagbabalik niya ng entablado.

At hindi naman nabigo ang kaniyang mga fans dahil bonggang-bongga na siya ngayon!

Kamakailan din ay nagbahagi pa siya ng kaniyang litrato sa beach, suot-suot ang kaniyang bikini at ipinapakita ang kaniyang flawless na katawan.

Sa kaniyang interview kay Toni Gonzaga para sa kaniyang digital talk show na I Feel U, nagbahagi siya ng kaniyang istorya kung paano niya naisipang mag umpisang mag work out.

“Kasi before po, nag-diet na po ako and nag-lose na ako ng weight before tapos may inintake ako na medicine kaya medyo lumaki. May point po na parang gusto ko lang po ng change para sa sarili ko. Nag-start po yun nung March,”

Dagdag niya, “Nag-start ako sa small goals lang po. Dapat next week, ganito na ang weight ko. Unti-unti po, hindi ko na lang po namalayan na sobrang nag-lose na po pala talaga ako ng weight. Hanggang ngayon po, nagda-diet pa rin po,

“Marami po akong na-inspire na tao. Yun naman po kasi talaga yung main goal ko. Sa YouTube account ko po kasi, nagpo-post ako ng weight loss journey ko. Nung pinanood po ng mga viewers yung video ko, triny nila yung diet ko.

“Nakita ko yung results ng ginawa nilang diet so sobrang nakaka-overwhelm. Kapag inisip mo na naka-inspire ka ng ibang tao, happy ka na and parang na-achieve mo pa lalo yung goal mo,”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Netizens, Halos Hindi Makapaniwala Sa Bonggang Glow Up Ng Dating Child Singer Na Si Elha Nympha appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments