Ayon sa kasabihan, wag na wag mong ikakahiya ang iyong trabaho lalo na kung ito ay marangal. Kahit pa gaano kahirap, dapat ay ipagmalaki mo ang iyong ikinabubuhay dahil nagpapatunay ito ng iyong sipag at tyaga. Kaya naman kahit pa barya barya lamang ang iyong kinikita, wag kang panghihinaan ng loob na ipagpatuloy ang iyong marangal na gawain!
Kamakailan lang, isang balut vendor ang naging inspirasyon ng mga netizens sa social media. Maraming tao ang naantig sa kwento ng vendor na ito mula sa Rosario, Cavite. Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, nakatanggap siya ng isang napakalaking blessing mula sa Good Samaritan na ito.

Ibinahagi ng Facebook page na Cavite Connect ang nakaka-inspire na tagpong ito sa JDP MCShop motor shop. Ayon sa post, nakita ng may-ari ng shop na si Renz Marlon Matteo na araw-araw dumadaan ang tindero ng balut na ito. Umaraw man o umulan ay walang humpay ito sa pagtitinda ng balut sa kanyang bike para sa kanyang pamilya.
Kaya naman napili ni Renz na sorpresahin ito. Isang araw nang muling mapadaan ang balut vendor na si Raymund Malondra ay tinawag niya ito sa kanyang shop. Matapos ang kanilang pag-uusap, ibinahagi ng balut vendor na mahigit walong taon na siyang nagtitinda ng balut sa kanyang bike.


Hindi maipinta ang kanyang saya nang ibuking ni Renz na reregaluhan niya ito ng brand new motorcycle! Ayon sa may-ari ng shop, labis siyang na-inspire sa kwento ng balut vendor. Umaasa rin siya na makakatulong ang motor na ito sa paghahanapbuhay ni Raymund sa pang-araw araw.
Bukod sa brand new motor ay binigyan niya rin ng cash si Raymund upang may maipang dagdag ito sa gastusin ng kanyang pamilya. Labis labis naman ang pasasalamat ni Raymund sa may-ari, lalo pa’t hindi niya akalain na makakatanggap siya ng ganito kalaking regalo mula rito.


Read More: Ganito na Pala Kataas ang Nakakalulang Net Worth ni ‘Yaya Dub’ AKA Maine Mendoza!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Balut Vendor na Walang Humpay sa Pagba-Bike, Naiyak Matapos Gawin ito sa Kaniya ng Isang Businessman appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments