Nanay na Nagising sa Operasyon, Laking Gulat Matapos Makita ang Mukha ng Kanyang Sanggol

Para sa isang buntis, wala na sigurong mas espesyal pa sa araw ng kanyang kapanganakan. Ilang buwan pa lang ay pinaghahandaan niya na ito para masiguradong magiging ligtas ang kanyang sanggol. Ngunit paminsan-minsan, kahit gaano ka pa kahanda ay may mga insidente pa ring nangyayari na hindi natin inaasahan.

Kagaya na lamang ng nangyari sa isang first-time mom na ito mula sa Russia. Hindi niya inaasahan na ang doktor na magpapaanak sa kanya ang siya pa palang maglalagay sa kanyang anak sa panganib.

Ayon kay Darya Kadochnikova, plano niyang magkaroon ng normal delivery ngunit hindi ito natuloy dahil sa pagbabago ng posisyon ng kanyang anak.

Read More: Pinatigil ang Eroplano Matapos Makita ang Itinatago ng Flight Attendant na Ito sa Kanyang Suitcase!

Kaya naman napilitan si Darya na sumailalim sa cs operation. Bago siya sumailalim sa operasyon ay tinurukan muna siya ng anesthesia, kaya naman tulog siya habang idini-deliver ang kanyang baby.

Ngunit nang magising si Darya, labis ang pagkagulat niya matapos makita ang mukha ng kanyang anak!

Ang bagong-silang na sanggol ay mayroong malaking hiwa sa kanyang pisngi. Mabuti na lamang at hindi nito nahagip ang kanyang mukha! Dahil dito, agad na nagtanong si Darya kung bakit nagkaroon ng malaking sugat sa mukha ang kanyang anak.

Ayon naman sa doktor, makulit daw ang sanggol kaya’t nahiwaan ito ng scalpel. Imbes na humingi ng dispensa, nagawa pang sisihin ng doktor ang kanyang pasyente.

Ayon dito, hindi dapat masyadong maging malikot ang pasyente habang inooperahan upang maiwasan ang ganitong pangyayari.

Napabalita naman ang pangyayaring ito, at maraming tao ang nagsabing dapat mapatawan ng penalty ang doktor dahil sa kanyang kapabayaan.

Read Also: Silipin ang Mamahaling Sports Car ng mga Bigating Pinoy Celebrities na ito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook.

The post Nanay na Nagising sa Operasyon, Laking Gulat Matapos Makita ang Mukha ng Kanyang Sanggol appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments