Talaga namang sagana sa mga naggagandahang dilag ang showbiz industry sa Pinas. Maraming celebrities ang mala-dalagang Filipina sa ganda, pati na rin sa kanilang husay at talento!
Ngunit alam niyo ba na marami ring celebrities ang may dugong banyaga? Silipin natin ang mga naggagandahang artistang ito na may ibang lahi.

1. Ivana Alawi
Isa si Ivana sa mga pinakasikat na Youtube vloggers ngayon. Hindi lingid sa kaalaman ng mga fans na may ibang lahi si Ivana.
Pinay ang kanyang nanay, samantalang Moroccan naman ang kanyang ama. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit nakakahumaling ang ganda ng 23-anyos na star.
Read More: Pinatigil ang Eroplano Matapos Makita ang Itinatago ng Flight Attendant na Ito sa Kanyang Suitcase!

2. Liza Soberano
Si Liza ang tinaguriang pinakamagandang aktres sa showbiz ngayon. Dahil sa kanyang ganda at poise, marami rin ang nagsasabi na bagay maging beauty queen si Liza.
Ang nanay ng Kapamilya actress ay Amerikana, samantalang pure Pinoy naman ang kanyang ama.

3. Arci Munoz
Maraming fans ang nagsasabi na exotic ang beauty ni Arci Munoz. Bukod sa kanyang fit and sexy physique, hindi rin maipagkakaila na striking si Arci lalo na sa personal. Namana niya ito mula sa kanyang ama na may lahing Spanish.

4. Catriona Gray
Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na half-Australian si Catriona. Sa kanyang pagrampa sa Miss Universe 2018, na-open up rin ni Cat na talagang malapit siya sa kanyang ama na kasalukuyang nakatira sa Australia.

5. Julia Montes
Kahit noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz, nag-i-stand out si Julia dahil sa kanyang natatanging ganda. Ang nanay ni Julia ay Pinay, samantalang ang kanyang ama naman ay German.
Sa katunayan, noong 2017 ay ilang buwan siyang nanatili sa Germany upang makasama ang kanyang ama.
Read Also: Silipin ang Mamahaling Sports Car ng mga Bigating Pinoy Celebrities na ito!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook.
The post Kilalanin ang mga Sikat na Artista na Mayroon Palang Ibang Lahi appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments