Hindi na bago ang mayabong ngunit mahigpit na kultura ng mga Tsino pag dating sa kanilang lahi, lalung-lalo na ang mga full blood na hanggang ngayon ay nais pa ring panatilihing buhay ang kanilang mga tradisyon at kaugalian sa kanilang pamilya.
Kabilang na rito ang kakaibang selebrasyon at pride ng mga padre de pamilya sa tuwing nagkakaroon sila ng anak na lalaki, lalo na kung panganay.
Sa pamahiing Chinese, swerte ang magkaroon ng anak na lalaki dahil bukod sa ito ang tagapag patuloy ng kanilang pamilya ay eto ang pinaniniwalang karapat-dapat na tagapag mana ng kanilang mga yaman.

Kung kaya naman noong nagkaroon ng anak na lalaki ang isang Chinese personality na si Marcus Ho at ang partner niyang isang supermodel ay ganoon na lamang ang tuwa ng kaniyang pamilya.
Bukod sa pagmamahal at congratulatory message mula sa kaniyang mga kaibigan at kamag anak ay nakatanggap pa ang dalawa ng tumatagingting na 700 Million mula sa lolo ni Marcus dahil sa sobrang kagalakan nito!
Ayon kay Marcus, eto ang panganay sa kaniyang apo at lalaki pa, kung kaya naman ganun na lamang ang kagalakan ng kaniyang lolo matapos niyang malaman ang balitang ito.
Pinangalanan naman nilang Ronaldo ang kaniyang anak, na pinaniniwalaan sinunod sa paboritong manlalaro ni Marcus sa football.

Matapos namang manganak ay ikinasal na ang dalawa tatlong buwan lamang ang nakalipas, na talaga namang naging napaka engrande.
Ayon sa mag-asawa ay asahang mas magarbo ang magiging 1st birthday anniversary ng kasalukuyang kaisa-isang apong lalaki ng kanilang pamilya.
Hindi maikakaila na sanggol pa lamang ay mayroon nang napaka gandang buhay na nakalaan para kay Ronaldo, na talagang mapapa sana-all na lang ang kahit sino!

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Lolo Na Nagregalo Ng 700 Milyon Sa Anak Dahil Binigyan Siya Ng Unang Apo, Viral Ngayon appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments