Alagang Parrot, Naging Nag-Iisang Witness sa Karumal-Dumal na Sikreto ng Babaeng Ito!

Tuwing may krimen, mahalaga ang magkaroon ng saksi upang mabilis na malutas ang kaso. Isang mabigat na responsibilidad ito, dahil maraming pagkakataon kung saan nakasalalay sa witness ang kahahantungan ng paglilitis. Ngunit alam niyo ba na bukod sa tao, maaari ring maging witness sa kaso ang isang hayop?

Inakala ng babaeng ito na makakalusot siya sa krimen na ginawa niya, ngunit hindi niya akalaing mabibisto ang sikreto niya dahil sa kanyang alagang parrot!

Noong taong 2015, naging usap-usapan ang kakaibang kaso ni Glenna Duram at ng asawa nitong si Martin mula sa Michigan, United States.

Read More: Ilang Taong Sinuot ng Babaeng Ito ang Regalong Kwintas, Ngunit May Nakatagong Sikreto Pala Ito!

Ayon sa report, matapos ang mainit na argumento ay tinutukan ni Glenna ng baril ang kanyang asawa at pinaputukan ito ng limang beses. Matapos ma-realize ang kanyang nagawa, sinubukan niya namang itutok ang baril sa kanyang sarili upang tapusin na ang kanyang buhay. Lahat ng ito ay naganap sa harap mismo ng alaga nilang parrot.

Ngunit napatigil siya matapos magsalita ang parrot ng “Don’t shoot.” Ayon pa sa ibang saksi, narinig rin nila ang parrot na tila ba inuulat ang huling pag-aaway ng mag-asawa bago ito humantong sa malagim na trahedya.

“I personally think he was there, and he remembers it and he was saying it. That bird picks up everything and anything, and it’s got the filthiest mouth around.” Agad namang naaresto at nakulong si Glenna sa salang pagkitil sa kanyang asawa.

Ayon sa mga nakakakilala sa mag-asawa, talagang natural na madaldal ang kanilang alagang parrot. Madalas rin daw ay nanggagaya ito ng boses, at lagi niyang inuulit ang mga naririnig niya mula sa iba. Kaya rin daw nitong gayahin ang boses ng pumanaw na biktima.

Read More: Nanay na Nagising sa Operasyon, Laking Gulat Matapos Makita ang Mukha ng Kanyang Sanggol

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow ng aming Facebook page.

The post Alagang Parrot, Naging Nag-Iisang Witness sa Karumal-Dumal na Sikreto ng Babaeng Ito! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments